Ftm birth experience
Pa rant naman mga moms. First time mom ako. Nanganak ako sa hospital normal delivery. Grabi yung pag check ng mga nurse sakin sa baba ko sobrang sakit 2x , tapos yung OB naman nag check 1x di naman ganun kasakit . Tapos nung malapit na lumabas ang baby ,chineck uli ng nurse at yung isa pang nurse na katabi biglang pinasok nia kamay nia walang pasabi nagulat ako twice in a row? Grabi naman. Ako lang sa hospital at asawa ko. 3 hours ko push si baby. Salamat okay naman.
Nung pang 24hours namin sa hospital inewborn screening si baby around 12midnight biglang pasok sa kwarto namin at icheck si baby nagmamadali wala manlang sinasabi na anung procedure pinaggagawa nia. Sabi ko akala ko ba dadalhin sa ibang room ang screening tapos parang kumalma yung nurse at sinabi nia na yung procedure dito nalang daw sa room tapos iblood sample daw sa paa ni baby etc, (yung unang punta nia kasi sabi ko mamaya nalang yung test dahil umiiyak si baby at pinapadede ko pa kaya pag balik nia badtrip sya na lagpas na 24hrs ata kaya minadali nia) grabi yung attitude ng nurse. Yung hearing test daw after 3hours nalang daw. Pero di naman dumating ng mga 4am.
7am change shift na nila dumating ibang nurse para sa hearing test. Duon na kami sa ibang room at tsaka palang pala nila sinesetup, ayun di daw nagana, mga 30mins hinanap pa yung spare daw , habang inaantay sinabi kl pa footprint si baby ayun meron naman habang inantay. Tapos dumating headnurse wala daw sira ang hearing test nila. Ayun bumalik na kwarto sabi pa nurse kung gusto ko daw ako na magtulak ng bassinet ni baby ako naman go lang. Pa schedule nalang daw kami sa audiology clinic.
Tapos hapon pauwi nadin kami may last na vitals samin magina. Naligo ako after sumakit yung braso ko kung san nabp nangalay sobra. Sinabi ko sa nurse na nasakit braso ko sabi nia itanung nya daw sa head anu pwede gawin pagbalik nia sabi pag di daw nawala pa check nalang uli. Sabi ko ok. Tapos vitals nia si baby napansin ko na bakit sya napaupo squat ba sa baba, nasa bed kami ni baby eh ilang bes nayuko lang para ilagay sa paa ni baby yung temp . Tapos pag alis ng nurse ayun tumayo na ako sa bed biglang nag alarm ng malakas. Dumating yung nurse. Di nia alam anu gagawin. Sabi ng asawa ko baka need nia off kung anu man meron sa room. Tapos yung nurse sabi eh baka kung anu daw pinindot namin. Sabi namin wala kaming pinapakialam sa room. Sobrang lakas ng tunog ng alarm impossible di nia alam kung anu yun at paano patayin. Imagine yung newborn ko naexpose sa ganun kalakas na alarm. Feeling ko na offend ko siguro yung nurse na yun baka yung pagkasabi ko na masakit braso ko feeling niya sinisi ko sya kaya niya kami ginatihan na sinet nia yung bed alarm at sinisi sakin na ako may gawa. Sabi ng asawa ko hayaan na daw dahil baka bago lang. Prang mga 20s lang sya babae. Di ko din naman sadya baka sa tono ko naoffend ko sya pero sana alam nila na bagong panganak sana intindihin nila mga pasyente.maliit lang ang hospital ako nga lang nanganak eh at may 1 pa ata silang pasyente. Siguro sa sobrang di busy eh an dami nyang time magisip pano mkarevenge sa mga pasyente. Tapos kami pa talaga nabuntunan nia siguro kasi tahimik lang kami ng asawa ko at wala kaming pamilya.
Nagsisi ako sana pala inasikaso ko visa ng mother ko para nasamahan nia ko sa panganganak. Overseas kami ng asawa ko assign sya sa work tapos dito pako nabuntis at bagong kasal lang din kami. Nag try naman ako makahanap ng community pero wala eh nag join ako lahat ng class ng childbirth, breastfeeding, l&d tour etc pero ayun. Naaawa nalang ako sa sarili ko hirap ako makipagsocialize mas gusto ko nalang lalo sa bahay nalang dahil sa mga nanyari.Alam ko yung iba mas malala pa nadanasan . Paano kayo nagcope? Gusto ko na mag seek ng therapist sana online baka may advice kayo.. gusto ko na baguhin sarili ko na maging assertive ba para di na ginaganito ng ibang tao. Naaawa ako sa anak ko yung nanay niya ganito mahina loob...
Posted Jul 17, 2025, 8:23 AM UTC