pa rant kasi idk what to do na

Love & Relationships

Problem/Goal: masaya naman kami ng bf ko bago ako makaramdam ng pagbabago, specifically this past 2 weeks. kung dati palagi niya ako tinatawagan, as in araw araw—walang palya. lagi siya nakikinig sa chikas ko, and more na nararamdaman ko talaga na interested at mahalaga ako sakanya.

nasanay ako sa ganung ways namin. calls every night, playing games, watching movies, and more. he's a gamer type of guy na 24/7 nasa harap ng computer niya and madalas din siya nag lalaro with his friends aside from me. whenever his playing with his friends naka call pa din kami and nag uusap. out of the sudden bigla niya tinigil lahat ng yun. bigla nalang siya hindi naging interesado kapag nag kwekwento ako at sasabihan nalang ako na "shh tama na, yapper e" i thought biro biro lang yun pero nag tuloy tuloy na talaga and after that no more calls gabi gabi. inaabot pa nga siya ng 3-5hrs bago mag reply sa chats ko unlike dati na kahit nag lalaro siya he still finds a way para mapansin ako like calls nga habang nag lalaro bukod sa call gabi gabi. bukod sa matagal na din siya mag reply, yung reply niya is walang connect sa dinami dami ng chats ko sa loob ng ilang oras. iniisip ko nga kung binabasa niya pa ba yun or hindi na eh.

i feel like he's losing interest that time and syempre to ease my mind, i opened up about everything, na nag ooverthink ako ganito ganiyan and instead of reassuring me, nagalit siya which made me feel guilty dahil sa words niya na "lahat nalang inooverthink mo, i thought kilala mo na ako, i thought alam mo na i would never ever cheat on you". i said sorry after that pero nagalit pa siya lalo and tell me "what is that overthinking for? is that your way to cling sa bago mong lalake guilt-free"

3 days after nangyari yung away na yan nag usap na kami ng maayos. nag kapatawaran kami, pero di na ease yung mind ko. hinayaan ko nalang lumipas yung oras and i thought babalik na siya sa dati. after that, akala ko tatawagan niya na ulit ako every night, i thought hindi niya na ako igghost ng ilang hours and i thought papakinggan niya ulit lahat ng chikas ko and babalik kami sa kung ano ulit kami ganon. i was wrong kasi hindi lahat yun nangyari.

idk what to do anymore. mag oopen up ba ulit ako? gusto ko gawin yun pero natatakot ako na baka magalit nanaman siya.

Posted Jul 17, 2025, 8:32 AM UTC

19
Loading comments…