PARANT LANG, Sinaktan ako ng kapatid ko.

NSFWLegal

Problem/Goal: Sinaktan ako ng kapatid ko ng dahil lang sa aso.

Context: Nakagat ng aso ang anak ko, aso na galing sa girlfriend nya. Aspin. Chinat ko sya na sana ibalik nya o itali man lang ang aso na nakakagat sa anak ko. Pero ayaw nya. Ang anak ko ay 5 years old pa lamang. Kalikutan palang ng bata yan. Ang sabi nya ang anak ko nalang raw ang umiwas sa aso. Pagkagaling namin magpavaccine sa hospital. Nagulat ako na nakawala pa rin ung tuta ni di man lang ikinulong or tinali. Nakapagsambit ako na "ano ba yan bakit hindi man lang ikulong kahit yun man lang ang gawin sana" sabi ko. Bigla sya lumabas ng kwarto at sinugod ako sympre sabi ko na kahapon ko pa pinapakiusap un sa kanya. Un palang sinabi ko galit na sya naghihimutok siguro lango sa droga ang ipinapaliwanag ko sa kanya. Ay sana man lang ikulong nya ang aso. Ang sabi nya ang anak ko rawang bantayn ko at pagsabihan kong huwag laruin ang aso nya. Dun na niya ako sinimulan na sampalin itulak tulak at medyo sinasakal ng bahagya. Binantaan pa ako na susuntukin after that sobra akong nasaktan kaya sabi ko "aalis ako"" sige umalis ka" sabi nya. "Hindi,ipapapulis kita" sabi ko. Hinabol nya ako at ilang ulit nya pa ako sinampal at tinulak tulak na akala mo lalaki ako na hinahamon nya ng away. Dun palang nasa isip ko na ipapulis na sya. Nung nakatakas ako sa kanya. Agad ako tumakbo sa pulis. At inireport sya. Dahil natatakot ako kung ano pa gawin nya dahil drug user nga sya. Nakulong na sya before. Dahil sa drugs. Ang aksyon ng pulis kinausap lang sya pati ang kapitan. Pero ako pinamuka nya masama kesyo napuno raw sya kakasagot ko,mataas raw ihi ko, wala raw ako respeto sa kanya. Pabigat pa daw ako pati anak ko. E wala naman siyang ginagawa sa bahay. Gigising sya ng alas dose kakain magscatter, matutulog ulit. Halos ako lang at ang nanay ko kadalasan gumagawa sa mga gawain. Bihira mo lang makita yan na gumalaw. Minsan na rin sya nahuli ng nanay ko na gumagamit. So, nung sinabi nya sa harapan ko na pabigat kami ng anak ko. Sinabi ko rin sa harapan ng mga pulis at kapitan. Na gumagamit sya ng pinagbabawal na gamot kahit isearch nyo pa kwarto nyan. Palabasin nya talaga magaling ako sumagot. Alangan di ko sya sagutin galangin ko pa sya after ng ginawa nya? No. Ako pa raw makapal ang mukha. Ni halos sya daw nag alaga sakin noon. E wala akong maalala na inalagaan nya ako samantalang ang lola ko ang nag alaga sakin simulat sapul. Sana raw di nalang nila ako kinuha. Edi sana hindi nalang po di ba kung ganyan lang rin ako tratuhin. Pamangkin pa nya nakagat ng aso pero walang pakialam.

Posted Jul 17, 2025, 8:50 AM UTC

14
Loading comments…