ROAST TF OUT OF ME. KAILANGAN KONG MAHIMASMASAN. HELP.
For context:
I feel like I’m being too demanding na sa boyfriend ko.
LDR kami and whenever we go out on a date (which is rare) may times na biglang mawawala ako sa mood kasi maaalala ko yung mga tampo ko sa kanya. Ang ending, magtatanong siya kung anong mali pero laging sagot ko “wala”, ang totoo di ko lang masabi kasi hirap akong sabihin kung anong nararamdaman ko at the moment. Feel ko nagsasawa na siya sa ugali ko.
Isa sa tampo ko sa kanya is that, he doesn’t plan dates. Laging ako nagpa-plan panay oo lang siya. For my past 2 birthdays yung mga regalo niya parang di pinagisipan (working kami both kaya alam kong kaya niya bumili ng higit pa doon), birthday ko last week and binigyan niya ako ng dress na 3x ng size ko, idk if it was an honest mistake pero kapag tinignan mo yung dress mahahalata naman nang di ko kasya yun, he had seen me naked naman na kaya di ko mawari bakit di niya alam kung kasya ko ba yun or hindi. I communicated na sa kanya anong favorite color ko, and that I want flowers pero nung anniv namin, wala siyang binigay. Wala rin siyang plan. I asked him about it and ang sabi niya he is the type of person who doesn’t make plans. We’re 3 years nang magkarelasypn btw.
Ewan ko kung OA lang ako or talagang valid yung tampo ko. Napapagod na ako pero baka napapagod na rin siya sa ugali ko na madalas magsilent treatment kapag magkasama.
Roast me sa sht kong ugali. Need ko mahimasmasan.
Posted Jul 19, 2025, 7:41 PM UTC