Paano mabalik ang babaeng nawalan ng spark o na-fall out of love sa akin?
Hi, meron akong ex. Almost one week na kaming wala. Four days before the breakup, nararamdaman ko nang nagsi-silent quitting siya — as in, ramdam ko na tinatamad na siya. And then ayun, nakipaghiwalay siya. Sabi niya, nawala na raw yung spark sa amin; nawalan na raw siya ng gana, matagal na.
Mahal na mahal ko siya. Nandoon na ako sa point na gusto ko talaga siya. Naka-block na ako sa halos lahat ng social media. Paano ko siya maibabalik? Dapat ko pa bang pilitin at lumaban pa, o hayaan ko na? (Gustong-gusto ko talaga siya, eh.)
Posted Jul 19, 2025, 7:48 PM UTC
10