Gym Pet Peeve

Pa rant lang, been using the gym for 2 months already akala ko OA lang yung mga may gym pet peeve pero nakakairita pala talaga yung mga tao sa gym na akala mo may yaya / katulong na sumusunod sa kanya haha

  • yung hindi nagbabalik ng ginamit na DBs, or hindi mag re-rack ng weights
  • hindi ibabalik ung mat sa lagayan
  • hindi mag punas ng equipment lalo na kung pawis talaga at kumorte na ung katawan mo 🤣🤣🤣
  • yung burara sa gamit san san pinapatong
  • sobrang tagal sa isang equipment dahil ang tagal dahil nag cellphone lang (excluded po ung madaming exercise sa isang machine)
  • nag iiwan ng coffee cup / PET bottle kung san san
  • at ang pinaka malala ay yung balasubas gumamit ng shower at cr na basa lahat ng area na akala mo nag wet party don sa loob.

Alam ko may gym membership pero hindi naman ata included don na maging balasubas ka sa pag gamit ng gym facility at gym equipments. Have the decency to put back the things you've used, be mindful of the time you use the equipment and lalo na sa lahat wag po kayo mag pool party sa shower!!

Ayun lang SKL 🤣🤣🤣

Posted Jul 29, 2025, 6:09 AM UTC

1725
Loading comments…