My parent's POV
Hii! Manghihingi lang po sana ng advice hehe, soo kanina lng po kinausap ako ng parents ko. They asked if may something ba raw kami ng gf ko, kasi napapansin na raw nila na may mas deeper connection kami sa isa't isa compare raw sa iba kong friends. (I was planning na mag out sakanila and tell it, pero it turns out na nakakaramdam na sila) I said na super close kami talaga kaya lagi kaming mag kasama. Sabi nila sa akin ayaw raw nila na mas deeper yung relationship naming and all, ang sad lang kasi yun nga. We should stay as friend, tas lagi daw kami nag sisimba bawal raw doon. I told them na nag babago na yung pananaw natin ngayon, lalo na sa generation ngayon compare sa kapanauhan nila.
Ang tanong ko po ngayon ay, paano po baguhin perspective nila? mababago naman po siguro yung hindi ba? pero ang goal ko naman ngayon mapatunayan sakanila na hindi masama ang magmahal ng kapwang babae rin. Mapatunayan ko na lahat ay malayang magmahal maging sino ka man. Thank you po sa sasagot <3
Posted Aug 3, 2025, 3:11 AM UTC