r/CasualPH•
rankl_

Normal ba na parang tropa kami ng bf ko?

Hi! Ako (30F) at bf ko (38M) ay live-in na for 1.5 years, together for 2 years. Nung first few months namin, super intense ng mga lambingan, intimate daily or multiple times a day pa nga. Ngayong live in na kami, parang 1-2x/week na lang kami nag se-sex, pero dahil rin bumaba libido namin both. Faithful naman kaming dalawa, and I don't think he is cheating naman (di siya mahilig lumabas, lagi niya ako sinasama pag lumalabas siya). Lambingan at kulitan pa rin.

Kaso minsan parang mas tropa na kami. Pagka out in public, pagka may nakita kaming gwapo or maganda, we point it out to each other, na parang "Uy, feeling ko type mo yun." Tapos the other confirms kung tama nga ba, walang malisya or selos naman. Or nagkkwento/nagpapakwento kami about sa mga ex namin. Again, walang malisya or selos.

Also ngayon pagka nag sesex kami, laging tawa kami ng tawa sa simula. Parang naging tawanan yung foreplay ganon. Attracted pa rin naman kami sa isa't isa. Parang nawalan nalang ng mystery once nag live in na kami. Pero yung pagkasabik/uhaw nung una kaming nagsama, kumonti na.

Pero mahal namin isa't isa. First gf niya akong pinakilala sa family and friends niya. He brings up marriage and lagi sinasabi "Pag may anak na tayo..." Recently, nag bakasyon kami abroad, regalo niya for me.

Pero normal lang ba na ganon, na parang tropa na yung vibes namin sa isa't isa? Parang minsan best friends with benefits na yata kami. I don't mind actually, and neither does he. Pero nung kinwento ko sa isang friend ko, parang na-weirdohan ata. Idk OK lang ba na ganito?

Posted Aug 3, 2025, 2:47 PM UTC

39299
Loading comments…