Should I break up with her?
Hindi ko na kasi alam hahahaha. Palagi na lang siyang tulog, like after 1-2 hours na magising siya inaantok na naman tapos tulog na. LDR set-up namin and honestly, tao lang din naman ako kagaya niya, napapagod ako pero hindi sa paraang napapagod siya. Nakakapagod din kasi maghintay nang maghintay minsan e. Parang palagi na lang akong naghihintay. Sa totoo lang, wala na akong maramdaman minsan na palagi na lang din ganito. Naiintindihan ko naman she has life outside, pero gusto ko rin naman siyang makausap minsan nang matagal e. Just slap me with hard truth, ayos lng. I badly need it right now kasi ang lungkot din na ganito palagi e. Highly appreciated
Posted Aug 3, 2025, 2:49 PM UTC
16