May agents ba ng top bank and welcome bank dito?
Pano ba sila nagpapaloan? Need ba may money kayo sakanila? Or possible na magpahiram sila?
For context: Wala kasi akong payslip, per events ang bayad sakin, altho 6 digits palagi monthly, nahihirapan ako na mag loan sa mga banks like bpi, eastwest etc dahil kailangan ng payslip. May mga payments stubs naman kami na may tatak ng HR, may bank book din ako na palaging napapasukan ng pera, may cc ako dalawa, pero both under 9 mos. Wala akong pang collateral. another one, wala kaming office, warehouse lang sya talaga. Or residential address ng may ari ng company namin. Yung work kasi namin is di kailangan ng office since kami yung pumupunta sa mga lugar para mag event. 500k kasi need ko iloan. Gusto ko sanang iloan pandagdag sa gagawin kong negosyo. Kaso mahirap dahil nga ganun ang situation. Hoping someone can help.
Nabasa ko kasi na madali daw magloan sa welcome bank at top bank, pati na rin sa ctbc. Sana may makatulong sakin. Thanks!
Posted Aug 4, 2025, 11:11 AM UTC