r/adviceph•
scwoori

Parang hindi ko na kaya na ganito lagi

Parenting & Family

Problem/Goal: Super drained na ako mentally since teenager ako because of my mother dahil sa paninisi niya na ba't pa ako nabuhay. Umiiyak na father ko sa paghahanap ng pang-tuition ko.

Backstory: I was diagnosed with major depressive disorder when I was 17. Pero nag-start na ako makaramdam niyan nung 12 ako because of bullying and SA sa school. 1 year din ako nag-meds kasi need pa namin bumyahe papuntang city kasi andoon yung magagaling na psychiatrist kesa sa psychiatrist na taga rito sa amin (pinapatay nila ako sa dosage ng gamot as a teen). Every after 3 months yung balik ko doon and 20k agad yung gastos. Ang tatay ko ay isang magsasaka lang. Dito kasi sa probinsya, kapag may desenteng bahay ka, parang mayaman kayo tignan, pero hindi kami mayaman. Nakakakain lang din naman tatlong beses sa isang araw pero kapag hindi na season ng ani rito ay wala na kaming benta. Nag-ALS ako (alternative learning) kaya ako nakapag SHS kasi nag-stop din ako dahil sa trauma.

Context: I'm in my 20s (F). Hindi ko alam kung saan na talaga or ano na problema ko. Kahit ako naguguluhan sa root cause ng pagiging depressed ko ngayon. Financially unstable na kami. Nakapag-college ako with free tuition pero hanggang 2nd year lang yun kasi nag-stop din ako dahil hindi na kinakaya ng katawan ko na ipagsabay ang physical work at pag-aaral dahil mahina ang katawan ko sa physical work (sakitin ako - asthmatic). Naghahanap ako ngayon ng trabaho para pang-tuition ko sana kasi sa online school ako nag-aaral. Fully dependent ako sa parents ko muna kasi nabayaran naman nila pero itong mag-3rd year na sana ay wala nang pera kasi walang ani. Bachelor of Science in Information Technology ang kurso ko, maintained grades 1.00-1.50 ang lowest ko. Nasasayangan yung parents ko kung mag State University ako kasi babalik daw ata yun sa 1st year para makalikom lamang ng free tuition. Every time na nado-down ako kapag iniisip yun and regarding sa gusto ko na rin makatapos at makatulong, naiiyak ako kasi hindi ko alam paano sila matulungan. Probinsya namin ay wala masyadong work like office work kasi lahat ng nais ay graduate students. Five semester na lang ang kulang ko para ako'y maka-graduate. Minsan kapag nagpapahinga ako, pumapasok na lang si mama sa kwarto para sisihin akong nabuhay pa ako na kesyo andami nilang ginastos sa'kin simula pagkapanganak (kasi prone sa sakit + hospi bills). Kami po ay taga Aklan, wala masyado work opportunity. Kung iimagine-in ko nga po kung nasa Manila lang ako ay natanggap na rin ako sa mga BPO. Nag-apply po kasi ako sa mga BPO na WFH daw kuno at online interview pero nung natanggap po ako ay need daw po on-site.

Question/Advice Need: Hindi ko na po alam paano i-solve 'tong problema kung pera na ang usapan. Kaya naman po sana mag-trabaho basta office work po. Kaya naman po basta utak ang ginagamit ko. Nag-try na rin po ako mag-tutor, academic related na side hustle kaso syempre meron na pong AI ngayon. Hindi ko rin po alam paano magpakalma na kasi usually kaya ko naman na pakalmahin sarili ko e.

Posted Aug 4, 2025, 11:22 AM UTC

11
Loading comments…