Mag kano po kaya ang usual na upa sạ commercial space?

Commercial Leasing

Hello, mga ka-renta!

Plano kasi ng tatay ko na ipa-renta na yung tindahan namin dahil hindi na rin namin nagagamit at nagiging tambakan na lang. May kumpare siya na interesado umupa at gagawing Notary Public Office yung pwesto.

Pros: • Magandang foot traffic (malapit sa BGC, sakayan, palengke, at paaralan) • Maraming establishments sa paligid

Cons: • Walang sariling CR at sink (pero may CR naman sa garahe) • Kailangan pa ng kaunting renovation para maging office setup

Hindi ko lang alam kung ilang square meters yung space, pero magandang lokasyon talaga. Magkano kaya dapat ang renta sa ganitong setup? Any advice is appreciated

Posted Aug 4, 2025, 4:24 PM UTC

11
Loading comments…