Lost
Hello. help a human out 🙂nagwowork po ako sa isang company for 13 years na. Recently, nagayos sila ng HR and ngayon lang nafoformalize lahat. Before, wala po kami contracts talagang sahod lang after duty. Mabait naman po employer ko generous sa mga mga binibigay nila bukod sa sahod kahit sahod namin malaki. recently, Nagaayos na sila ng processes so ngayon lang din kami nagkacontract. Concern ko lang, last year lang kami nahulugan ng mandatores - philhealth, pag ibig and sss (Aug 2024) to be exact though hindi pa nila kami binabawasan sa sahod until now. Wla pa kami contract nung panahong iyon. Recently since inaayos nga nila process and finoformalize na lahat, nagpapirma sila sakin contract as project based employee and nilagay nila sa contract ko is Aug 2024 ang start date since yun yng time na nahulugan nla ako ng mandatories. Mahahabol ko pa ba 13 month ko nung 2024? Tska ano pa kaya other implications nun sa employer ko? Ano pa po pwede ko maclaim?
Posted Aug 4, 2025, 4:25 PM UTC