Talo na naman ako sa pinakamahahalagang aspeto ng buhay ko
Napapatanong na lang talaga ako kay Lord kung bakit niya pa ipinaexperience sakin yung buhay na palaging panalo, kung lagi lang rin pala akong matatalo. Like, anong purpose??? Anong gusto mong matutunan ko, Lord???
Nung bata ako, halos wala akong talo. Top 1 every year, I never felt worrying about not being on top. Every year, alam kong ako, kasi kilala ko yung sarili ko, mataas grades ko, magaling ako. Life happened and things have changed, okay lang, I learned to accept defeat.
Pero this time, lately, lahat talo ako. Career, family, financials, lovelife, talo talaga ako. Dapa lahat yung apat na yan. Just when I thought things are going well, I thought "wow finally, nakukuha ko na yung gusto ko" or I feel more in-charge of my life, I can feel growth, nagcrumble lahat. And it's not because baka nalimutan ko si Lord — hindi po. Kaya hindi ko rin maintindihan kung bakit pinagdadaanan ko ang lahat ng ito.
Sana, kahit isa man lang sa apat na aspects na yan, maging successful ako. Kahit isa lang muna. Please, kahit isa lang. Kasi ang hirap na sabay-sabay silang failing kahit na I'm doing my best naman. Hindi araw-araw malakas ako. Sana naman pwedeng manghina or magpahinga without losing my progress. Ang sakit kasi. Nakakapagod, sobrang nakakawalang-gana sa buhay.
Yung iba, kahit chill chill lang, naaachieve yung gusto, palagi silang masaya. Ako, ginawa ko na lahat, ginagawa ko parin lahat, talo.
Posted Aug 4, 2025, 4:29 PM UTC