WFH- Hirap na hirap na ko. Gusto ko na lang maging paru-paro.
Hi. Gusto ko lang ilabas kasi ang bigat na. Apply ako nang apply. Interview ako nang interview. Pinipilit ko maging okay, pero parang wala talagang napupuntahan. Kahit referrals, kahit konting tulong wala.
Ginagawa ko naman lahat. Inaayos ko resume ko, ina-update ko mga profile ko, nag-aaral ako, sinasabi kong willing ako matuto at gumawa ng kahit anong trabaho. Pero parang lagi akong nauudlot.
Minsan naiisip ko na lang, "Paano kung paru-paro na lang ako? Walang iniisip, lumilipad lang.
Hindi ko alam kung saan pa ko kukuha ng lakas minsan. Pero sige, laban pa rin. Kung meron kayong tips, , or kahit simpleng words of encouragement, malaking bagay na 'yon. Salamat sa pagbabasa.
Posted Aug 4, 2025, 4:39 PM UTC
00