May sweldo kaya ako?

Questions

Hi everyone! I recently resigned from a job days ago and naka 1 week din ako sa kanila. Also, sa 1 week ko na yun pasok pa sa cut-off nila for 5th of the month na sweldo. I am confident na ginagawa ko talaga job ko sa 1 week na yun, nag encode sa lahat nang mga dapat i-encode, nag-edit, gumawa pako masterlist sa gsheet para easy and accessible sa kanilang mga forms and docs, at talagang hindi ako naging pasaway. The day na nag resign ako sinubmit ko na rin mga reports na need, summary report and attendance ko. And since kasali pa ako sa gc nila up until now, doon ko na foresee na parang wala na talaga akong matatanggap na sweldo, wala name ko sa payroll and also chineck ko sa app wala din transfer, ni gcash hindi ako hiningan while yung days palang na nagwork sa kanila may sweldo na. I was looking forward for it pa naman, di rin biro gastos ko sa fare sa 1 week na yun ha

Ayun, ask ko lang guys. May sweldo pa kaya ako kahit 1 week lang ako dun sa job ko na yun? Sabi ni mama ko wag ko nalang daw yun isipin, ang importante daw nakaalis na ako doon. But I can’t help but maiyak nalang talaga kapag sumasagi sa isip ko, nag ooverthink na kase ako nung day na nagresign ako na baka wala talaga. Di ko lang matanggap ang truth

Posted Aug 5, 2025, 10:09 PM UTC

15
Loading comments…