Why do you keep on pushing the loveteam of Sofia Pablo and Allen Ansay?

Discussion

Seriously, di ko gets bakit pinupush ang team jolly. There's no hype around their teamup and sorry sa mga fans nila, masyadong pilit ung chemistry nila. And pag pinapanood ko sila parang magkaibang genre pinapanood ko. Gets ko naman na pinagpapartner sila para makilala sila pero it is not working in their favor. Sofia yes pinag-uusapan pero negatively. Mas napapansin ung lack ng skills nya sa acting, dancing and singing. Yes, she is pretty pero wag nyo madaliin pasikatin sya.

Si allen naman always in the backseat at di masyadong pinag-uusapan kahit na binibigyan lagi ng project. And this is where my frustration starts. I've been rooting for Allen nung starstruck days nya. Mas gusto ko sya manalo nun kahit na alam ko namang mas talented si Kim de Leon pero sya talaga mas nakikitaan ko ng potential. He has the looks, the height and may potential rin naman sa acting department. And sobrang pogi nitong batang ito in person. Seryoso! Dito ako unang kinilig sa mas bata sakin. Dyuskopo. Nagfeeling bagets ang puso ng tita mo. I see so much potential in him kaso simula ng naipair sya kay sofia di ko na sya napapanood. Di nagjijive acting nila. Parang magkaiba talaga sila ng genre. Nasasayangan talaga ako kay Allen. He could have achieved more if di sya nakulong sa loveteam nila ni sofia. Kung gusto sya iloveteam, ipartner nyo nalang sya kay Shayne Sava. Baka mas may chemistry pa sila at mas magjijive pa ung acting nila. Add mo pa na nagkasama pa sila sa starstruck. Try nyo naman ipartner si allen sa iba please. Sayang potential nya.

Si sofia itry nyo din ipartner sa iba basta wag lang kay will! Try nyo sya ipartner kay Abdul Ramman. Cute din un. Pwede sila bumagay visually since pareho silang cute. Paghiwalayin nyo muna ung Team Jolly. Try lang.

Posted Aug 7, 2025, 12:51 AM UTC

3768
Loading comments…