Gigil ako sa ka work kong palagi hinihinaan yung aircon!

Hindi ko na kaya!! Yung ka work ko palaging hinihinaan yung aircon. Ako yung nasa corner ng room kaya sobrang init sa pwesto ko.

Sa umaga binubuksan ko yung dalawang aircon (naka-18°C pareho), pero kahit ganun, mainit pa rin. Tapos kapag umaalis ako ng office, pagbalik ko naka-25°C na! Like… girl bakit?

Rason niya nilalamig daw siya. Eh di mag-jacket ka, 'di ba? Ako nga pinagpapawisan na. Wala pa siyang dalang jacket or anything.

Nakakainis kasi ang inconsiderate. Hindi lang naman siya yung nasa opisina. Kung ayaw mong giniginaw, eh di mag-layer ka. Wag mong i-compromise yung comfort ng buong room.

Honestly, di ko alam kung ako ba yung masama kasi gusto ko lang ng konting lamig habang nagtatrabaho? Hindi ba sapat na stressed na nga tayo sa work, papawisan pa kami sa loob ng office?? Pati boss nga namin, corner spot din, at naiinitan din siya, di lang yan nag sasalita. Kaya minsan nagpapasimple na lang ako ng babaan ng temp, tapos tataasan na naman nya. Ang galing!

Posted Aug 7, 2025, 12:54 AM UTC

3060
Loading comments…