struggling indio in the metro
Problem/Goal: gaya ng problema ng marami saatin, hindi ko na rin alam ang susunod kong gagawin
Context:
Hindi ako naka graduate ng college, palipat lipat ako ng trabaho, at walang akong matinong direksyon sa buhay.
Hindi ako naka graduate kasi masyado akong na pressure na ang mahal ng matrikula ko tapos meron akong mga subject na hindi naipapasa, na dahil rin sa kapabayaan ko. Nag desisyon ako na huminto sa pag aaral para rin mabawasan yung guilt ko, dahil sa nag papa aral saakin which is ang nanay ko.
Nag palipat lipat ako ng trabaho, dishwasher, waiter, callcenter agent, hindi ako tumatagal sa trabaho. Hindi dahil sa hindi ko nagugustuhan yung mga naging trabaho ko kundi may mga kanya kanyang rason naman na hindi ko kontrolado. Ang dami ko sinubukan pagka kitaan sa mga taong 2018-Present.
At in between sa mga time na wala akong regular na work, hindi rin naman talaga ako nauubusan ng trabaho dahil ako rin nag alaga sa lolo at lola ko. Nagkaruon pa ng pagkakataon na hindi ako nakapag trabaho ng isang taon para lang mag alaga sakanila. Between 2019-2020 hindi ako nakapag trabaho para alagaan lolo ko dahil hindi siya nakalagad, at kinailangan niya mag therapy para makalakad ulit siya. Ako naging kasama niya hanggang sa makalakad siya ulit.
Nung nakakalakad na ang lolo ko, ang una kong naisip ay mag trabaho kaagad dahil na pressure na talaga ko dahil sa mga oras na nasayang. Napunta na ko sa trabaho na hindi maganda, nang sscam kami sa US at Europe. Tumagal lang ng 6months yung trabaho na yun. Yung pera na naipon ko, sinubukan ko sa buy n sell ng motor, di rin nag tagal naubos ko rin sa loob ng 1yr yung naipon kong pera dahil sa mga gastos, tapos wala akong regular work.
Bumalik ako sa bpo sumubok mag ipon uli, naka ipon. Nang naka ipon na ako. Naisip ko na mag freelance photographer at videographer. Since naging isa sa hobby ko naman yun simula hs at yung bayaw ko yun din ang trabaho at may knowledge sa industry na yun. Tinanong ko bayaw ko kung mababawi ko ba yung pera na ilalabas ko para sa camera sa loob ng 2 months. Mayabang na sagot niya'y oo daw dahil pag bumili daw ako ng camera at lens tiyak marami daw kaming trabaho.
Bumili ako ng camera at nag hati kami sa isang brand new zoom lens para daw ako gagamit ng zoom lens kapag may trabaho kami. Nang di ko alam ay di ko rin pala magagamit. Ngayon 4months na nakakalipas hindi ko pa na roi yung camera, yung lens hindi ko nagagamit kasi wala naman trabaho, di naman ako binibigyan ng gig ng bayaw ko. Ang masaklap hindi na gumagana halos lahat ng buttons nung camera ko kaya di talaga ako maka tanggap ng mga solo gig.
Sa loob ng 4months na wala akong pinag kaka kitaan at walang ipon, wala na ko ibang naisip kundi mag benta, para may mabayad sa renta at bills. ngayon ayoko na mag benta hindi naman ito talaga ang gusto ko, wala nang direksyon ang buhay ko.
hanggang para ngayong buwan nalang natitira kong pera hahaha kulang pa pang kain =))
Wala rin ako maasahang tulong sa mga magulang ko, ako lang meron ako. Naiisip ko mag student loan at mag aral ulit para maayos buhay ko pero di ko alam pano gagawin at kung posible ba yun haha
Badly need your advice bc im rlly losing it
Posted Aug 7, 2025, 12:54 AM UTC