Bayaw kong Palamunin
Nasa bahay kami ngayon ng parents ng asawa ko kasi naka-bakasyon ako for a week. Dito muna kami tumuloy kasi may family reunion next weekend.
Pero grabe, umiinit na talaga ulo ko sa bayaw ko.
-32 years old -Walang trabaho -May 3 anak (yung isa, sa ibang babae) -Sobrang adik sa Valorant
Araw-araw siyang nakababad sa laro. Minsan more than 8 hours pa, mula 7 AM hanggang 9 PM. Titigil lang kapag kakain. Hindi naghuhugas ng pinggan. Walang ambag kahit piso sa pagkain.
Ang mas nakakainis? Ako muna yung gumagastos sa lahat ng kailangan dito. Groceries, ulam, kahit mga simpleng gamit. Kasi si hubby, wala pang budget ngayon kaya ako muna yung umaako ng lahat.
Tapos nung nagluto kami ng pork sinigang (favorite ko pa naman), sabay-sabay kaming kumain. Bigla na lang siyang nag-comment: "Ang dami namang taba nito."
Wow. Talaga lang ha? Wala ka ngang ambag, tapos may gana ka pang magreklamo? Sa isip-isip ko, gusto ko na talaga siyang murahin. Ang kapal. Ang tamad. Ang entitled.
Yung asawa ko, work-from-home siya at may sariling workspace. Pinapagamit lang niya yung PC niya sa kapatid niya kapag tapos na siya magtrabaho. Pero halos wala nang pahinga yung unit kasi buong araw ginagamit sa laro.
Honestly, nai-stress na ako. Pero ayoko na ring i-share kay hubby kasi baka lalo lang siyang ma-pressure. Kaya dito ko na lang nilalabas.
Posted Aug 7, 2025, 12:57 AM UTC