How to handle this situation wherein your gf hasn't totally moved on with their past relationship?
Problem/Goal: I (29/M) never pa ako nag ka gf before. She is my first and I don't know how to handle this. Nalaman ko na hindi pa pala sya totally nakaka move on sa ex nya. Gusto ko din sana malaman kung gaano katagal ba bago maka move on ang mga babae sa past nila.
Context: Nasa around 1 and half years na kami right now as of writing this.
Nung nanliligaw palang ako, na clear nya na wala na syang bf. Nag kukuwento sya ng tungkol sa past nya, pero hindi ung buong buo. I mean, glimpse lang ng past nya. Dahil na din siguro nahihiya pa sya.
Nung nasa aroung 1 year and 3 months kami. Bigla syang nag kwento sakin about dun sa isang ex nya na. Di ko alam kung ano nag trigger sa kanya kung bakit bigla sya nag open up. According sa kwento nya, Nung nag simula akong manligaw sa kanya, nag kakalabuan stage palang daw sila nun. Akala ko totally wala na (means di sya nag sabi ng totoo nung last time). Tapos ayun, kinuwento nya ung mga troubles nila at issue. Pero nag hiwalay na din naman daw sila agad. And nilinaw nya na since then, blocked na sila sa isa't - isa at may closure na. Means, everything is cleared na.
Hinayaan ko lang kahit ganun nga at hindi nya sinabi yun noon palang. Parang naaawa din ako kasi, medyo nalulungkot sya habang nag kukuwento. Nung nag kukuwento sya is may guilt parang ganun. Parang naawa sya dun sa lalaki na ewan. Di ko ma explain haha. Sinabi nya na mukhang nag babago naman na din ung guy. Pero that time hindi nya na daw pinag bigyan.
Tapos after a week lang nung nag kwento sya, nalaman laman ko nalang (with the help of some friends) and na searched ko sa social media, di pa pala sila blocked sa isa't - isa and then I got a tip from someone binibisita pa din pala sya nung guy sa bahay nya and nag kikita pa sila (Confirmed ito). Itong pang yayaring ito ay naganap before pa nung mag kwento sya sakin at nag open up. Sabi nya blocked na at din na sila nag uusap ever. Ayun pala hindi totoo.
Nag tanong ako sakanya aabout sa ex nya na ito, Mga 3 times akong nag tanong sa kanya (mag kakaibang araw) kung binobother ba sya ng ex nya or chinachat or kinukulit. Kasi baka naman ung guy ung nag pupumilit na pumunta sa gf ko or makipag communicate. Ayoko sya i-accuse. Lahat ng instance na yun, Either, dismissed nya lang, changed topic or change mood para wag na matuloy ung topic. I gave up. Hinayaan ko, I let it slide again. Nag iisip ako ng timing para mag open up again.
Bali ayun, Nag 1 year and 5 months na kami. May one time, Nag log on sya sa computer nya ng social media. Hindi nya na log out. I scanned the messages and ayun, Na confirmed ko nga na regularly pa din silang nag uusap and nag rereactan ng heart emoji. Nag "I miss you", and yung mga messages ay may intimacy and feelings. Kaya sobra akong nasaktan.
Current time, 1 year and 6 months. I still don't know what to do. Naiisip ko na baka lilipas din yun kasi nga kakabreak lang nila at baka hindi pa sya nakakamove. Ayoko naman sya iwan. Aside naman dun wala akong ibang issue. Maalaga sya at sabi nya mahal nya ako at nag pplano na nga din sya ng para sa future namin eh.
Posted Aug 7, 2025, 4:33 PM UTC