Ayaw na mabuhay ng iphone ko, ano po kaya ang ext na gagawin?
Ganito po nangyari, from 8am today to 12nn nagpapatugtog ako spotify walang hinto kasi naglilinis ako ng bahay. Tapos mga 12nn nasa banyo ako nagpapatugtog padin ako. Natuluan yung phone ko ng kunting tubig mula sa sabon tapos pinunasan ko din pero yung music ko tuloy tuloy padin after maligo pinunasan ko ulit yung phone at inalog alog. Tapos ayun na may green line na sya isa pinatay ko agad, pinunasan ulit at hinipan hipan yung mga ports. Ano po kaya ang reason? sa ngayon hindi na sya mabuhay medyo mainit din sya tinapat ko muna sa efan. Dahil po kaya sa battery failure kasi na abuse ko sa tuloy tuloy na pag gamit/music or dahil natuluan ng tubig? wala pa naman na akong warranty dito :( Thank you po sa sasagot at magshashare ng insights.
Posted Aug 12, 2025, 5:24 AM UTC