toxic bpo culture is rotting my brain

Company Reviews

never ko inakala na may account na ganito ka walang awa. parang every metric na maisip nila, pinapababa sa’yo sabay-sabay. CSAT, QA, FCR, AHT, adherence… lahat! tapos pag di mo na-hit kahit isa, feeling mo parang pinirmahan na nila termination letter mo.

mga TL? wala silang pake kung pagod ka, may sakit ka, halos gapuke na ang baha sa inyo, or mental breakdown ka na. ang sagot lang nila “deliverable pa rin yan” o kaya copy-paste na pep talk na wala namang laman.

office vibes? parang funeral home pero mas depressing. sobrang frequent na may natatanggal or nagr-resign, tapos magtataka sila bakit ang taas ng attrition. eh, sino bang tatagal sa ganito?

kung akala nyo motivation yung constant pressure at pananakot, HINDI. wish ko na lang talaga is sana ma-dissolve na 'tong account na 'to.

Posted Aug 14, 2025, 12:43 AM UTC

13051
Loading comments…