May ocd ba ako? πŸ˜‘

STORY/VENTING

So nakatira ako sa inlaw ko may dalawang anak kmi ng Lip ko. Noon naman hindi ako ganito pero nung nagkaanak ako nag start ako matakot sa marumi πŸ˜‘ So ito nakatira kami upahan lumang bahay siya na kahoy nay second floor di na masyadong kagandahan na. At di namin alam bakit madaming daga. Minsan dumadaan sa bubong eh. So eto na dahil luma at may mga daga everytime na magluluto ako hinuhugasan ko lahat ng gagamitin ko hinuhugasan ko at habang nagluluto ako madaming beses din ako naghuhugas ng kamay sobrang naging habit ko na to mahawakan ko lng yung tiles ng lababo hugas agad kase feeling ko madumi na kamay ko. At ang worst naman pag iba nagluluto at nakita ko na pinapatong yung sandok sa mismong lababo jusko yung ulo po parang lalaki na πŸ˜“ Yung isip ko bigla nlng sasabog na bakit doon pinatong para bang may sariling galaw yung isip ko πŸ˜“ At minsan nasasabihan na din ako ng Lip ko na maarte parang mayaman daw πŸ˜“ Ang hirap kontrolin ng isip ko pagdating sa ganitong bagay. Pag si Lip magluluto pasilip silip ako nagtatanong palagi kung hinugasan ba nya yung gagamitin nya. Ano pong thoughts nyo about sa sitwasyon ko?

Posted Aug 31, 2025, 12:08 AM UTC

18
Loading comments…