"Walang direksyon ang buhay mo"

Long post ahead I'm a hcw, hindi nga lang nurse. One of my doc2rs I'm working with(let's call na lang po siya na GG) eh palagi akong sinasabihan na mag aral na lang ng nursing para makapag abroad.

Pag duty siya palagi niya ako sinisita about sa priorities ko sa buhay. I am helping my parents na mag finance sa tuition ng kapatid ko, kambal sila 4th year college na, tinatapos na lang ang internship and then gagraduate na. Palagi niya sinasabi na hindi ko naman responsibilidad paaralin kapatid ko, tamad mga magulang ko, bakit ko kailangang magwork para sa kanila instead na mag aral. Sa totoo lang, tinutulungan ko yung parents ko sa tuition, pero yung baon pamasahe mga kailangan sa school, parents ko na. Hindi naman mabigat sa akin kung tumulong ako sa magulang ko at kapatid ko, gusto ko silang tulungan kasi mahal ko sila.

Sinisita niya rin ako bakit ako may live-in partner, bakit hindi raw magpakasal, baka raw may ibang asawa yung partner ko. Hindi ko siya pinapatulan kasi nirerespeto ko siya dahil isa sya sa boss ko, at nakakawork ko sa pang araw araw, plus matanda sakin. Since hs pa kami bff ng partner ko, no cheating involve masaya kami sa mundo namin, 2 years ago naging kami and decided to live together, since solid naman foundation ng relationship namin, very open kami sa opinion ng isa't isa, tulungan paano kami aasenso. Okay din siya sa pag help ko sa kapatid ko. Nagsasave kami para sa wedding, yung wedding na gusto namin mainvite yung mga taong mahalaga sa buhay namin. Maybe this dec or early next year makapag pa civil wedding na kami. At hindi alam yan ni GG, bakit ko kailangang magsabi sa kanya ng mga plano ko sa buhay?

One time, nagogoogle maps ako and nagbibigay ako ng google reviews sa mga place na nakainan na namin and nagcheck ako ng reviews ng iba't ibang place until nakita ko yung clinic nila, hindi ako nagbigay ng review kasi hindi naman ako naging patient doon. Bigla kong naalala na kinukulit niya akong mag aral, so I ended up searching GG, lumabas lahat ng public info sa internet, and nakita ko na rn pala siya, dalawa BS degree nya, tapos doctor pa sya. So para sakin ah okay kaya pala nya ko kinukulit kasi rn din sya.

Then nitong week na'to, nagsasabi sya na kailangan ko makarating sa US ganto ganyan, so eto na naman kami, fed up na ako, sinabi ko na nakita ko nga sa google na rn sya, paano ko raw nalaman, sino raw nagsabi, pagkauwi ko sa bahay tawag na sya nang tawag paano ko raw nalaman isend ko raw sa kanya, so iniscreenshot ko kung saan ko nakita, naka 4 ss ako sa phone kasi bandang gitna yun bale lalabas muna kung saan makikita yung clinic, yung public posts sa fb, tapos yung prc na nakalagay yung name nya. So tumawag sya ulit doon ko raw pala nalaman. Hindi siya galit sa tawag kaya wala akong idea.

Kahapon habang duty ako, pumasok sya sa clinic, pinalabas nya ako kahit may patients dinuduro nya na ako saying na hindi ko raw dapat siya ginoogle. Kakausapin niya raw ako pagkatapos ng duty ko. So noong natapos duty ko, pinuntahan nya ako kasi ayaw kong pumunta sa clinic nila kasi baka gumawa sya ng way para kasuhan ako, known pala sya sa hosp namin na palaging may kaaway or kinakasuhan ewan ko ba ano trip niya, pinakikisamahan ko lang siya kaya pag nagtatanong siya sakin sinasagot ko lang yung feeling kong dapat isagot sa kanya.

Pumunta sya kung saan yung office area ko, tapos wala na yung ibang doctor na duty so kami na lang ni GG. Naglabas sya ng papel, saying n bakit ko raw sinearch business nila, anong kinalaman ko raw doon kahit anong reviews nakalagay hindi raw nila ako ka-anu ano so bakit ko raw sinearch yon. So inexplain ko yung about sa google review, ayaw nya maniwala so sige, bakit ko raw siya sinearch anong pakialam ko raw sa buhay nila, bakit daw ako nanghihimasok, napaka intrusive ko raw at walang respeto, never "daw" siya nakialam sa personal na buhay ko, galit na galit siya, kung masasampal nya lang ako kahapon sinampal niya ako, napaka bastos ko raw at presko. Pwedeng pwede nya raw ako idemanda dahil may Dta Prvcy Act daw, napaka chismosa ko raw para isearch buhay niya, nagulat ako syempre kasi naka upload sa internet yun so public info yun, also wala akong ibang pinagsabihan kasi di naman big deal sakin kung rn sya or what. Sinabihan nya rin ako na instead igoogle sya bat di ko igoogle live in partner ko baka may asawang iba kaya di raw ako mapakasalan. Di naman ako nasaktan or what alam ko naman yung totoo e, wala siyang idea kasi di ako nagbibigay ng detailed info sa kanya. Sinabi niya pa sakin na sobrang baba raw pala ng pagkatao ko, kung lumaki raw ako sa ganung environment sila raw hindi. Kaya rin daw niya ako sinasabihan na mag nursing e para gumanda buhay ko para makapag US kase sabi niya "naaawa ako sayo kasi walang direksyon ang buhay mo" wala raw kasi akong guidance ng magulang ko(najudge pa nga magulang ko, well di naman kasi ako nagkukwento talaga, yung pinipilit nyang mag nursing ako sinasabi ko sa kanya na reason e nagaaral pa yung mga kapatid ko). Tapos nagwarning siya na anything indecency na gawin ko, ieexpect nya raw pag duty siya e mag rest day ako, so anything indecency, at kapag binalewala ko raw sya irereport niya raw sa management yung ginawa kong kasalanan para matanggal ako. Sa 1*k na sahod ng ospital, pinagtitiisan ko ugali niya, pero yung nngyari kahapon naisip ko hindi talaga worth it pag tiisan. Hahaha.

Also hindi naman ako aware na bawal siya igoogle pati business nila. I meant no harm, but ayaw niya maniwala so be it. Nagsesearch ako kagabi kung anong pwede niyang ikaso sakin pero wala akong makita, kasi public available info yung nakita ko, tapos wala naman akong ninakaw or hacked info, di naman illegally access restricted data yun.

Ayun lang, gusto ko na magresign kaso patapos na kapatid ko e, wala rin akong back up na malilipatan pa.😮‍💨

Posted Aug 31, 2025, 12:20 AM UTC

11
Loading comments…