Medyo napahiya ako sa meeting namin kanina

Advice & Tips

Nag-meeting kami ng mga ka-team ko kanina. Then yung boss ko, tinanong kung kaya ko bang matapos yung assessment before end of day. Then itong ibang kasama ko, they jokingly said na "Ano ba yan bakit hindi ka pa tapos? Ibig sabihin di mo pala nilalagay sa listahan natin na hindi ka pa tapos. Pinaghirapan ko pa naman yun." Nagtry ako mag-explain and parang mas lalo pa silang nang-asar. Medyo na-off lang ako knowing na di ko naman sila kaclose. Feel ko napahiya ako kaya ngumiti na lang ako pero sa loob loob ko gusto ko silang pakyuhan eme. Ano po ba ang tamang gawin or maging reaction kapag nalagay sa ganong posisyon.

Context: Last last week pa dapat yun at may nakalaang time within the shift (on a certain day) para tapusin yon pero dahil na-ER ako, di ko napasukan yung shift na may specific time para i-take yung assessment. This week, wala nang nakalaan na time para tapusin yon. Hindi ko naman kaya pagsabayin magcalls habang nag assessment dahil queueing kami. At hindi ko close yung ka-team ko na nagsabi sakin nun dahil kakapasok lang namin sa production.

Posted Aug 31, 2025, 12:22 AM UTC

6132
Loading comments…