Mahal Kong Pilipinas

Hindi ko na papahabain pa ito. Mga kababayan kong Pilipino, matututo na tayo at pumipili ng tamang lider na mamumuno sa atin. Hindi totoo ang kasabihan ng iba na “wala namang mangyayari eh” o “sige kahit sino na basta may pera nakapalit”. Huwag tayong masilaw sa pera kundi maging mapanuri tayo sa mga taong pagbibigyan natin ng tiwala .May resulta ang pagpili ng lider. Hindi nyo ba napapansin ang ating kapaligiran lubog na lubog na tayo sa baha at kahirapan habang ang MGA BUWAYANG ito ay walang sawa at walang konsenyang nakawin ang pera na sana'y makakatulong sa ating bansa upang i-ahon tayo. Kaso hindi, pina-iral nila ang kanilang pagiging makasarili. Huwag natin hayaang nakawin ng mga buwaya ang ating dugo’t pawis. Pinili natin sila upang PAGLINGKURAN ang taong bayan hindi ang kanilang mga sarili. Nawa’y hindi lamang mga memes ang nagcacall-out sa kanila kundi may kasamang mapayapang aksyon. Sana itong maikling pahayag na ito ay magbukas sa ating mga mata at isip kung sino dapat piliin na totoong maglilingkod sa ating bansang Pilipinas.

Posted Sep 2, 2025, 3:30 PM UTC

10
Loading comments…