Hihiwalayan ko na ba asawa ko o hintayin ko na lang na baka magbago pa siya
Problem/Goal: Tatlong taon na kami ng asawa ko. Kulang siya sa emotional intelligence, everytime na nag aaway kami magbabati na lang kami after ilang araw na wala kaming napag uusapan about sa pinag awayan namin which is akala niya ok lang iyon. Sinusubukan kong mag open up lagi sa kanya kaso nauuwi sa away kasi bakit ko pa daw iyon bini-bring up kung tapos na kaya ang nangyayari nagpapatong patong iyong mga bagay na hindi namin napag uusapan. Lagi pa nangyayari iyong iiyak ako ng naririnig niya pero imbes na patahanin ako mas lalo niya ako pagagalitan kasi nakakahiya daw sa kapitbahay na naririnig akong umiiyak. Sa totoo lang pagod na ako sa ganitong set up namin kasi halos araw araw nag aaway kami at parang unti unti ng nasisira ang mental health ko, wala akong peace of mind. Iyong anak na lang namin pumipigil sa akin na iwan ko siya, kasi mapera ang asawa ko kaya niyang buhayin ang anak namin at ibigay ang mga gusto. Kaso ako durog na durog na, ang kuripot niya pa sakin. Willing lang siya gumastos pag ang anak namin ang bibilhan, pag ako kung pwede lang kahit siguro piso di niya ako bibigyan kaso no choice siya kasi housewife ako pero kung hihingi man ako sa kanya laging sapilitin.
Posted Sep 6, 2025, 2:31 PM UTC