Nakakaumay na ang kalsada sa mamatid
Grabe sawang-sawa na ako sa kalsada papasok at sa loob ng mamatid. Hindi ba nauumay tong mga nasa posisyon na ganito ang estado ng kalsada dito? Sa araw-araw na lang na dadaan palabas at papasok makikita mo yung ginawang kalsada wala pang 1 taon sira na. Yung ginawang canal lalo lang nag-cause ng baha. Yung pag aaspalto sana kung ginawa nila nung di pa tag-ulan edi sana nayari na yung kalsada. Bumoto na nga lang din di pa dun sa matino. Dinadaan lang sa isang libo at pabigas mga tao dito eh.
Posted Sep 8, 2025, 1:51 PM UTC
6413