ABYG for not confronting my 2 close friends after cutting them off?
I have these 2 friends na cinut off ko last year (1 male and 1 female), we were in a college friend group of 6 and now 4 (1 female and 3 males) na lang kami cause nawala sila both, and lahat kami magkakablock. Sa friend group ko na yun silang 2 talaga closest ko before, cause sila lagi ko nakakasama gumala and friend ko na rin yung isa sa kanila nung SHS pa kami. Our friend group was very ok and had no problems naman before, even if sila yung closests ko before ay close din naman ako dun sa other 3. I can say na we had good dynamics, and everyone was comfortable with everyone.
The issue started when the boy randomly ranted on our gc about his problems with his girlfriend (now ex). He was ranting na nanlalamig na sa kanya yung ex nya and nakita niya raw yung girlfriend niya na kumakain sa karinderya with a male friend na di nya kilala and a female friend na kilala niya. Won't go into details na but he was suspecting the boy na manliligaw nung girlfriend niya and how he's tired how distant his girlfriend is and parang siya na lng nageeffort sa kanila. Tbh I didn't really entertain his chats during that time, aside dahil sa yung 2 girls sa friend group naman ay nagrereply and comforting him, I just found the tone of his rants very naninira lang. I know naman na there's some truth dun sa messages nya but I'm his friend kasi and I know he has some tendencies to exaggerate details to further victimize himself and villainize the other party. Yung ex niya ay nakakasama na namin a few times before and friend siya nung isa pang nasa friend group namin but I didn't really have personal interactions with her. And yung friend na yun ng ex niya was also very passive sa gc namin during that time. After that rant, never niya na ulit brining up sa gc yung topic na yun and we had no confirmation if they were just on a cool-off or totally break na. Tsaka ko lang nalaman na dun na lng pala siya nagkwekwento sa 2 nagreply sa kanya during his rant.
10 days after that rant, nagovernight kami (silang 2, me, and yung other female). We just decided na magovernight kasi kakatapos lang ng semester and bonding lang din. Sa dorm ni boy kami nag overnight and dormmate niya rin kasi yung isa naming friend (yung friend din ng ex niya). Nagfoodtrip and movie marathon lang kami during that overnight, ako pinakaunang natulog and di ko na alam mga ginawa nila after. Ako rin pinaka unang nagising and ang pwesto ng tulog namin ay (ako - boy - yung female friend na cinut off ko rin - yung other female friend). Like I said, we were all comfortable with each na talaga and walang malisya samin yung magtabi tabi kami, or at least yun ang alam ko before. Nagising ako na nakita ko si boy na nakayakap dun kay girl habang tulog, at first I just assumed na baka nayakap nya lng habang tulog but no. Few minutes after ko magising, may tumunog na alarm and nagising si boy para patayin and bumalik sa tulog na nakayakap ulit dun kay girl. I was so weirded out but seeing how they were so normal with it, nagdoubt na rin ako sa sarili ko if weird ba un or wala lang talagang malisya yun sa kanila. Then, nagsunod sunod na yung gala namin and may mga subtle observations na ko sakanila since inoobserve ko rin naman talaga.
Nearly 3 weeks after the overnight, nakita ko nagstory yung girl ng pic ng 2 alak and pagkain sa table. Napansin ko agad yung background ng photo, sa dorm yun nung boy na pinagovernight namin last time. The story was posted around 10pm-11pm and kilala ko rin yung girl na deretso stories ang pics niya and most likely during that time posted din taken ung pic. Wala saming 4 may alam na may ganun silang plans, lahat ng gala kasi namin sa gc talaga pinaguusapan kahit may mga hindi makasama. Even yung dormmate nung boy ay hindi alam na magoovernight yung girl sa dorm nila, may curfew kasi dorm nila and locked yun nang 10pm kaya alam kong overnight siya. I only took a screenshot of that story and nagtuloy lang ako magobserve sa kanila and wala pa ko sinasabihan kahit sino. During this time kasi, I was still in denial na may something sa kanila dahil aside sa ayoko lagyan ng malisya yung closeness nila ay kagagaling lng din sa relationship nung boy and the girl was very supportive of that rs. Both of them was also very vocal in ridiculing cheaters and men na mabilis magpalit ng jowa, either nagshashared post sa fb, repost sa tiktok, or ibribring up nila yung topic sa gc.
2 weeks after that, naconfirm ko na nga may something sa kanila. Nagiikot lang kami sa mall nung time na yun and pumasok kami sa bookstore, naghiwa hiwalay kami para magtingin tingin and nung nakarating ako sa may dulong part ay nakita ko sila patagong nagyayakapan. Idk if nakita nila ko but di ko sila cinonfront nun. After that, nagkwento na ko about everything dun sa isa naming friend, and asked him if may naoobserve nga siya sa kanilang dalawa. Sabi niya lang wala raw dahil nga ang naisip niya ay close lang talaga yung dalawa and siya rin kasi yung di palasama sa mga gala. At first I was very hesitant talaga na iopen yung topic sa other friends namin kasi I dont it to seem na nirerecruit ko sila to hate on those 2. I was very vocal kasi sa pagopen nung topic na I'm against their relationship, sobrang pangit kasi tingnan na 1 month after your 2-year relationship ay may something na sa inyo ng girl bestfriend mo na nagcocomfort sayo nung nagkakalabuan kayo. That left a bad taste on my mouth kasi na parang ginagamit nilang shield yung friend group namin sa susceptions na may smth saknila. I also know na once na magkwento ako sa other friends namin ay maapektuhan ung friend group namin and yun talaga pinaka inavoid ko as much as possible.
2 weeks after ko magkwento sa isa naming friend, yung isa namang friend (yung dormmate ni boy) ang nagopen sakin about them 2. Alam niya na rin pala yung about sa dalawa, but not because naoobserve niya but because nahuli ng landlady nila yung boy and girl na nagsesex sa dorm nila, yes binuksan ng landlady yung pinto nila and caught in the act silang dalawa. Galit na galit siya nun kasi akala ng landlady nila ay alam nya yung frequent overnights nung girl sa kanila and kinukunsinti niya. Matagal na raw yun napapansin and binabantayan ng landlady so most probably maraming times na sila nagoovernight dun. And that's when I knew na masisira na nga friend group namin. A week after ay inopen na rin namin yung topic dun sa isa pa naming friend.
Nung alam na naming 4 yung about them ay nagpapakiramdaman pa kami kung ano ba next na gagawin. During this time din pala, kami lang nung dormmate ni boy and explicitly nagsabi na we're against their relationship and pinapakiramdaman ko pa rin yung other 2 since naghohold pa rin talaga kami dun sa friendship.
3 weeks after, ni-legal ni boy si girl sa parents niya. Pinost ng nanay ni boy na kasama nila buong fam manood ng concert si girl.
2 weeks after, nagkwento sakin yung dormmate ni boy na nakausap niya yung ex ni boy since friend niya nga rin un. Yan din yung time na naconfirm namin na may overlap nga with the ex and the new one. After ranting pala samin ni boy ay hindi pa sila nagbreak, nagcool off lng sila for a month and a half before tuluyang nagbreak up. And if ipagcocompare yung timeline, 1 week before their breaekup yung ig story ni girl ng pagovernight niya sa dorm ni boy. Nasabi rin na matagal na pala pinagseselosan ni ex yung girl best friend. Nasabi rin na kaya siya nanlamig sa relationship nila ay dahil laging namimilit makipagsex sa kanya si boy. After ko malaman lahat yan, I instantly left our gc without saying anything. I just didn't want to be associated with cheaters and hypocrites. Antagal ko rin nanahimik lang kahit may napapansin na ko kasi I was still holding on to the hope na sana wag na lang nila ituloy, na sana marealize na lang nila na mali sila and I'll act like nothing happened just to save our friendgroup and friendship.
When we had classes, it seemed namn na they took the message. They were initially still approaching our 2 friends pero nung nafigure out nila na they're given the cold shoulder ay dinistance na rin nila sarili nila. We continued our friend group as 4 and we're still ok until now. Syempre na observe na rin ng other bloc mates namin na hindi na namin sila nakakasama and often asked yung reason. When they ask us about the reason, ang sinasabi raw sakanila nung 2 ay dahil ayaw namin nung dormmate ni boy na may magjowaan sa friend group kaya kami galit sa kanila. Which is true naman, umpisa pa lng ng circle namin ako at tsaka yung dormmate ni boy ay very vocal na ayaw namin may magjowaan sa circle pero that was not reason kaya kami galit sa kanila. That triggered yung dormmate ni boy and kinwento niya yung totoong nangyari dun sa mga nagtatanong (ang inoopen niya lng na topic ay yung problem niya about sa dorm nila, never niya sinabi yung mga sinabi sa kaniya ng ex ni boy to somehow protect her). That resulted to the 2 somehow being outcasted sa block namin. Medyo kumalat talaga kasi yung issue and umabot na rin siya sa other circle namin nung girl, since friends na kami nung SHS may other circle kami together. Yung circle naman na to ay same school lang din. Some of the members ng circle na to nagstart na magparinig sa fb through shared posts and I won't deny na nagparinig din aq sa ig notes a few times. And si girl ay nagpaparinig din at nagpapakasad girl sa shared posts niya. This was really another disappointment, she was very unapologetic and may mga posts pa na she wonders if her friends secretly hated her daw kaya andali lang niya icutoff bla bla.
A month after, wala kaming pansinan kahit magkablock kami. Nagmessage din silang 2 dun sa 2 friends namin, ako at tsaka yung dormmate ni boy ang di nila minessage. Nanghihingi ng time para makausap sila to explain themselves. Sabi rin nila na hindi na nila kami minessage dahil wala na silang plans makipagreconcile samin. Ang cinoconvey kasi nila ay we turned our 2 other friends pati na rin yung ibang blockmates against them and pinaninindigan pa rin nila yung reason ay dahil lang ayaw namin sa relationship nila. That's also when yung dormmate ni boy decided to confront the boy, about sa issue niya with them. Yung inopen niya lng na issue ay yung about sa landlady and dorm nila and decided na wag na sabihin na nakausap niya yung ex ng boy. Panay lang ang sorry ni boy sa kaniya pero ako never ko na sila nakausap. Hndi na rin pala natuloy yung paguusap nila with our 2 other friends. Idk also if they just altered their monthsary pero this happened last year pa kasi and now they are proudly sharing their relationship sa public. Sa posts nila ay January this year lng naging sila pero this all started May pa ng 2024.
Tbh I don't really care about them anymore until may nakita akong recent post ni girl na hindi pa rin tapos magparinig. Now ABYG??
Posted Sep 11, 2025, 4:53 PM UTC