Landiscam... PAWER
Hi guys,
Share ko lang yung experience ko 2 years ago. May naadd ako sa fb at match sa Tinder, magkaibang tao at moments to pero same na same yung nangyari. So regular flow, usap - getting to know then syempre meet up. Nung nagmeet na, hanap ng makakainan tas kwentuhan then after kumain nag aya sila parehas na bisitahin daw yung office nila kasi may kukunin. Yun pala, pagdating sa office, itatry ka nila irecruit sa networking nila which is Uno/Frontrow sa may North EDSA and VMB sa may Kamuning. Firm yung decision ko nun na hinding hindi ako magpaparecruit kahit na pinakiusap nila ako sa iba't ibang tao. Yung iba papakitaan ka pa ng susi ng SUV pero nakita ko noong pauwi na sila one time, nakamotor lang yung ulol HAHAHAHA. Minaliit pa ko nung isa na kesyo wala lang daw ba akong pera pambayad sa registration fee nila pero dedma lang, alam ko naman gaano kalaki sahod ko lol. Hanggang sa nagsawa sila na ipakiusap ka kahit kanino at yung last technique nila is iguilt trip ka na kesyo "inooffer lang naman namin to para sayo din na kumita ka at magkaroon ng magandang future" and may palandi pang effect na "paano mo ko mabubuhay bilang asawa kung sasayangin mo tong opportunity?" LANDI HANAP KO, HINDI OPPORTUNITY 😑 Ayon, ending nagsayang kami ng oras at pagod, umuwi pa kong dismayado non bwiset.
Shout out sa inyo Joy B. ng UNO, Zy ng VMB at marami pang iba, sana magsayang lang kayo ng oras lagi sa pang iiscam HAHAHAHA
PS: Di nila dinisclose noong una pa lang na aayain nila ako sa mga networking nila.
Posted Sep 13, 2025, 10:46 PM UTC