ABYG dahil nagalit ako sa friend ko na my landlord na sugar daddy vibes?
For context, my friend is a 2nd year college student. My friend and I ay hindi tama tama lang ang estado sa buhat kaya't tipid tipid lang kami sa gastos during college.
One day, nag chat yung friend ko na nagpakabit ng wifi yung landlord niya after niya nagsabi na mahina yung signal sa dorm, At first happy ako sakanya kasi hindi na niya need magpunta ng cafe para mag study pero na concern ako sa fact na sinabi ng landlord niya na pinakabit niya ang wifi para lang sa kanya.
Then last week, binigyan yung friend ko ng pagkain at sobre na may laman na 8k. Of course, happy yung friend ko kasi nagkaroon siya ng financial difficulties recently pero sinabi niya rin na hinug siya at kiniss sa forehead? Mind you, yung landlord niya is around mid-30s and ganyan ginagawa niya sa friend ko.
Sinabihan ko yung friend ko na medyo weird yung ang fact na kiniss siya sa forehead pero brinush it off niya lang na mabait lang yung landlord niya at napagsabihan pa ako na para bang ginagawan ko ng malisya yung landlord niya na mabait kahit na concern lang ako sa kanya πππππ.
ABYG dahil nagalit ako sa friend ko na may landlord na sugar daddy vibes?
Posted Sep 14, 2025, 12:31 AM UTC