r/BPOinPH•
Pike621

I'm Lost

Advice & Tips

Hello, I would like to express my situation, first time ko po magsasabi ng saloobin and susubukan ko mag kwento ng nga detalye. This is my first job in BPO mag 10 months na and lately may napapansin na ako sa sarili ko. This is also my first work na night shift, 10PM- 7 AM, sa first few months nag aadjust ako kasi lagong puyat sa gabi at malayo lagi biyahe papasok at pauwi (4hrs total papunta at pabalik).

I anticipate the gravity yung LOB and hindi siya biro kasi airline reservation account and other inquiries. Around June and July napapansin ko yung performance ko is hindi na pumapasa sa mga average metrics at napapansin na ng TL ko yun, I really appreciate na pinaglalaanan ako ng oras at coaching to bounce back. Nakakabawi naman kaso nun August bumabalik nanaman ako na para bang may mga cases na humihina na yung comprehension ko.. Na sa Chat kami with 2-3 occurence at the same time, meron kami na chat prioritizaion base on the situation ng customer. Minsan nawawala ako sa focus, di ko sure kung ano stressors ko kung sa puyat ba, sa stress na ginagawa ko or sa pressure.

Hindi ako makapag ask ng leave dahil , may mga failing attendance ako due to series of lates (As I have mentioned mahaba biyahe ko lagi) bali binabawi ko sa tulog tuwing rest day, bounce back ako tuwing Day 1-3/4 pero tuwing Day 5 nafifeel ko yung exhaustion at pressure, nadadama ka rin yung pagka drain, at yung type na when you are doing good no one is looking at cheering kahit 8-10 peak csat, pero 1 dsat gigil na gigil TL ko kahit inaamin ko na may mistake actually nag iinitiate ako if may mga missed upportunity ako to esccalate the situation if the customer is already concluded with the disatisfaction, minsan kasi ang turo take the accountability and owning the DSAT regardless if nadaan sa comm skills or pag coconvince and even standing the policy ng company, or even sa unintended mistakes

As I am typing these, may Self-crisis ako kung ano na problema sa akin bat nawawalan or nababawasan comprehension ko sa mga customer's concern, I know na ibat't iba kausap ko at we only based sa policy at capability as an agent, minsan nakaka throw off din mga tanungan ng customer to the point magiging mali ko for not comprehending it properly, was it because of the intentsity ng stress? out of focus? at puyat?

Ayan na lagi pino point out na sa akin ng TL ko na sa ganung bagay di ko daw ma comprehend, hindi na daw niya tatanggapin yung ganitong reason at situation, any further scenario na ganun pa rin baka ifile na ng IR . Kanina para daw di daw ako maka sagot ng dirersto kung ano daw problema bat daw yung 1 DSAT ko today ay hindi ko na deliver ng maayos yung concern ni customer, inadmit ko na na stress ako sa tatlo na kausap at parehas priority at nagkamali ng intindi sa isang concern that lead in to confusion ni custmer, I was able to correct on my end nama kaso napangunahan at nag dsat na.

Hindi ko na alam kung para sa akin ba tong BPO, or ako na talaga ang problema,

I will seek an advice narin, don't be hard on me please pauwi po akong tulala, kung mag reresign na ba o tatapusin ko ang 1 year.

Any advice will be appreciated, nakakapagod na po mag isip. Pasensya na po.

Posted Sep 14, 2025, 12:31 AM UTC

1113
Loading comments…