Nakakadrain isipin

Family

Nabenta na nami lupa namin para mabayaran ang mga utang ng parents ko. Sabi nila natuto na raw sila kaya di na sila uulit…pero eto nanaman.

Malayo ako sa kanila kasi nagta-trabaho ako. Malaman-laman ko nalang pag uuwi ako, may tatatlong naningil sa tindahan na sunod-sunod. Araw-araw pala na hulogan. Sinabi nila sa akin, wala na silang utang.

May napaghiraman pa sila na ngalan ko ginamit. Naapreciate ko nalang talaga ‘yung napag-utangan nila kasi bago sila pautangin, kinausap muna ako para iconfirm na alam ko ba talaga. Alam ko kasi sinabihan ako nila mama pero sabi na sila magbabayad. Pero ending, parang ako pa rin. Kasi kung di dun sa utang na ‘yun sila nanghihingi, para naman sa renta yung ihihingi.

Di sila makalapit sa ate ko kasi pinapagalitan talaga sila ni ate. Ako naman, gusto ko silang pagsabihan kasi di talaga nadadala. Pati number ko ginagamit sa mga online utang nila. Ako lagi tinatawagan, tinitext. Pero at the same time, naa-awa ako kung di ko sila mapahiram o mabigyan ng pera. Pag di ko sila mapahiram ng pera, kasi sunod-sunod, malaman ko nalang na sa jowa ko na nagtext para manghiram. Binibigyan ko nalang pera jowa ko ipangpahiram sa kanila. Minsan din si ate pinapabigay ko, di ko pag pinapasabi na sa akin galing. Kanina, sinabihan ako na bawasan ko muna savings ko kasi wala silang pangpalengke para sa tindahan nila. Pamangkin ko pa na 5yrs old inutusan para sabiha ako through video call.

Nakakadrain talaga sa part na alam kong sumusobra na pero di ko kayang tiisin na naghihirap sila.

Posted Sep 28, 2025, 1:27 PM UTC

10
Loading comments…