Patay na nilabas sa kabilang motel room
Naexperience ko noon na magcheckin ng 5 hours sa isang motel room kasi wala narin masakyan that night. Naalala ko nung nakacheckin ako nun sa kabilang room may sumisigaw, parang binabangungot na ewan, parang humihingi siya ng tulong pero mahina lang. Sa isip ko nun baka may ginagawa lang silang milagro. Dumating yung time checkout ko na, paglabas ko mismo ng room nakita ko may nilabas silang patay na nakatakip ng tela, doon nilabas sa opposite na daanan ko sa likod. Then pagbaba ko may ambulansya. Tinanong ko that time mismo yung nagbabantay ng motel ano nangyari, inatake daw ata sa puso. Hinahaunt parin ako nito pag naalala ko kasi baka that time baka humihingi pala siya ng tulong sakin. 😢 Naexperience niyo na rin ba ‘to or may naalala kayong ganitong open secrets sa mga motel?
Posted Oct 2, 2025, 1:52 PM UTC