Kayong mga cheaters kayo, mga salot kayo sa buhay!

TRIGGER WARNING

I was staring blankly at the ceiling a while ago, contemplating about my life, and I really can’t bear it anymore. I want to get this off my chest.

Di ko alam saan ako magsisimula pero FUCK YOU KA! Kung hindi pa ko inadd at chinat ng girlfriend mo, hindi ko pa malalaman ang kasinungalingan mo, lalo na hindi ka pala single. How could you sleep at night knowing na may dalawang babae kang niloloko? Yung isa girlfriend mo, at ako na napaniwala mo sa lahat ng kasinungalingan mo. Payapa ka bang nakakatulog sa gabi? kasi putangina hindi mo deserve yon! Napaka sinungaling mo, una pa lang sinabi ko na bubog kong maging kabit, other girl or side chick at never kong gugustuhin yon! Pero sa simula palang pala ginawa mo na kong ganun, punyeta. Hindi ka ba naawa sa girlfriend mo? may anak kayo! Lahat ng kagaguhan mo sinabi ko sa gf mo, because you don't deserve her, alam mo kung ano deserve niya? deserve niya malaman lahat ng panggagago mo. You are old enough to know kung anong tama at mali. At kahit ano pang irason mo sa kaniya, never majajustify ang pagiging cheater mong hayop ka. Mabuti na lang, mabuti na lang hindi ako bumigay, nakipag meet at binigay yung sarili ko sayo kasi baka habang buhay kong pagsisihan yon. I was so honest and kind to you, pero ikaw sinungaling ka. You don't deserve my fucking kindness.

Hindi ko alam kung paano makapag move on agad sa sitwasyon ko na ‘to. Yung pang pinaka ayoko maging sa tanang buhay ko, naging ganun pa ako. Naalala ko lahat ng pangyayaring pilit ko nang kinalimutan. Nakita ko yung mama ko noon araw-araw umiiyak dahil sa ginawang panloloko ng tatay ko. Hindi ko noon maintindihan kung bakit mas pinili pa ng tatay ko yung kabit niya, e kami itong pamilya niya. Kaya simula noon, doon nagsimula ang malalaking galit ko sa mga kabit, mga sumisira ng pamilya at pinangako sa sarili na hinding hindi ako magiging katulad nila.

I'm so hurt right now kasi naging other girl ako or side chick ba kung tawagin, na hindi ko alam na ganun pala. I can't eat properly and do the things I need to do. My stomach hurts every time I think about it. Pero kapag naiisip ko yung nararamdaman ng girlfriend niya, kung gaano kabigat ang dinadala niya ngayon, gusto ko na lang magpalamon sa lupa o magdisappear na lang. We're okay naman, nakapag usap na kami, nakapagpaliwanang ako nang maayos, at naintindihan niya yung side ko. I also said sorry many times, na parang bang ma-a-undo nun lahat ng nagawa ko. Naiinis ako sa sarili ko na hindi ako naging maingat sa mga desisyon ko sa buhay. Bugbog na nga mental health ko sa mga taong judgemental sa church pero lalo pang nabugbog ngayon.

Umalis ako doon two months ago, then naging active ako sa mga bagay-bagay (including exploring my sexuality.) Dahil sobrang fucked up ng mental health ko, inintertain ko yung nagchat sakin dito sa reddit. I grew up in a religious fam, I was a religious too. I admit I never explored my body when I was still religious, I was innocent and naive about those things, then this person thought me a lot to the point that we became libu short for libog buddies. Yun ang tawag niya sa setup namin. I settled for that kind of setup because I didn't have anyone to talk to. I don't have friends anymore. I'm so lonely and I feel less lonely kapag magkausap kami.

Ang sakit lang mapagsinungalingan at maloko, tangina ang sakit-sakit. Pero feeling ko parang wala akong karapatan masaktan. I should have dug deeper and not believe everything that person said. Sana hindi na umabot sa ganito. This is a lesson learned for me. I'm really, really sorry and I feel bad for the girlfriend and her baby.

Para akong tupang nalihis ng landas. Ngayon lang nagsi-sink in sakin lahat ng mga pinaggagawa ko. What if I endured the judgment of the people I know in church, siguro bearable pa ‘yon? What if I still attended church maybe I wouldn't have become the person I hate the most.

Posted Oct 2, 2025, 1:53 PM UTC

587
Loading comments…