Genuine question sa mga dds pa rin hanggang ngayon.

PoliticsPH

Curious lang sainyong mga dds. Ano ba mapapala ng pinas pag pinauwi si duterte? Kase parang nagiging kulto na kayo kahit karton kase parang sinasamba niyo na eh.

Wala ba kayong pake sa pinas kaya nagiging panatiko nalang kayo ng pulitiko at ng political dynasty? Di ba kayo naaawa sa pilipinas?

Binoto niyo si bbm kahit ilang beses na kayong sinampal ng reliable sources na wag iboto pero nang dahil kay sara duterte naging bingi at bulag kayo nung eleksyon.

May choices pa naman nung eleksyon na pwedeng iboto pero bakit si bbm pa? Tapos ngayon na pinadala si duterte sa icc magsasabi kayo bigla ng “bangag” o kung ano ano pang pwedeng ibato sakanya? Bakit kayo ganyan?

PRO-FILIPINO pa ba kayo? Or PRO-POLITICS? Pinagtatawanan nalang tayo ng mga pulitiko habang pinapanood tayo na nag aaway-away dahil lang sa dalawang side nating mga pinoy na pinaglalaban ang pilipinas at ang isa na pinaglalaban lang yung pulitiko.

Posted Oct 2, 2025, 1:55 PM UTC

07
Loading comments…