[UPD] I need help po, I sent gcash to a store here in upd (for cash out) pero sabi nila di na daw nila ginagamit ang account na yon

General Tips/Help/Question

Idk if tama ba tong platform na inaask ko huhu i just need help kung anong gagawin. I'm a upd student po. Nag cash out po ako yesterday sa isang sari-sari store dito sa Area 2, i have their number saved kasi madalas po ako mag cash out doon. However, last na cash out ko sa kanila was september 7, using the same number. So akala ko po ganon pa rin... Nung nagpunta po ako para kunin yung cash, hindi daw po alam ng cashier kung may ganon pa silang number... Sabi nya bumalik ako kinabukasan. So bumalik po ako, sabi naman ng cashier today, meron naman silang number no'n pero di nya alam if active pa, tawagan nya daw po amo nya. So pinabalik ulit ako sa hapon

nung bumalik po ulit ako, ang sabi hindi na daw po active ang number na yon. Hindi nila ma explain sa akin ng maayos kung anong nangyari sa account. Ang sabi di na raw ginagamit yung sim card, 6 months ago na.. eh nung September 7 nakapag cash out pa ako sa same number 😭 di naman ganon kalaki yung amount pero worth of 1 day work na rin yon huhuhu. Baon ko po yon this week at nahiya ako manghingi sa parents ko (for context, i am not from this city) kaya po medyo mahirap po para sa akin ngayon. I know na may mali po ako pero I'm not really familiar with these situations especially sa digital wallet Please help me po huhu baka wala na ako makain this week. what do I do?

Posted Oct 5, 2025, 4:06 AM UTC

00
Loading comments…