Gusto ko siya yayain mag-simba

Fo context, hindi ako matahimik. Feeling ko nakagawa kami ng kasalanan. Hindi naman kami pious pero we believe. For a year, lagi akong galit sa kanya at nakakasabi ng masasama. Gusto ko na siya patawarin sa nangyari kasi may nagawa din siya sakin pero kahit anong gawin ko hindi ko kaya magpatawad. Then naisip ko baka may pumipigil. Hindi kasi talaga kami magka-ayos kahit anong pag-uusap namin. Lagi ko binabalik yung mga mali niya and nagkakasakitan na kami. Friend ko siya pero we had a fling. Maayos naman kami nagsimula pero nagkasira kami. Lagi namin pinagdadasal yung isa’t isa pero may times talaga nakakapag sabi ako ng masama. I have this deep desire in me na yayain siya mag-simba. I feel like we have to ask forgiveness sa nagawa namin para totally we can be free na at maka-move on and mag-heal. Kakaiba kasi yung feeling. Like kahit anong attempt natin para magka-ayos wala talaga nangyayari and lumalala lalo. :(

Gusto ko na magka-ayos kami and mag move on. Feeling ko talaga kasalanan yung ginawa namin at need namin humingi ng kapatawaran sa diyos. OA lang siguro ako pero spiritually, I feel drained na sa situation namin. Nagdadasal naman ako pero may times na grabe yung galit ko sa kanya. Natatakot ako sa sarili ko kasi hindi ko siya kaya patawarin at minsan sobrang sama ng naiisip ko. Kaya ko naman mag simba mag isa pero kung kasama siya, good closure na yun for us and para mapatawad ko na talaga siya. May sense ba tong desire ko na magsimba kaming dalawa?

Posted Oct 6, 2025, 7:07 PM UTC · locked

53
Loading comments…