Remulla as the new Ombudsman

Pinoy Rant/Vent

I just want to share my thoughts about sa appointment ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang bagong Ombudsman.

Honestly, I’m not okay with this. Maraming mas qualified na candidates pero siya pa talaga ang napili. Like wtf? Kasi kilala siya sa pagiging “law bender.” May mga past controversies siya na dapat never forgetti.

  1. Family Controversy - Noong 2022, nahuli yung anak niya sa NAIA dahil sa tangkang pagpasok ng over ₱1M na high-grade marijuana. Ibinasura nga ang kaso, pero syempre, nagdulot ito ng questions tungkol sa conflict of interest.

  2. POGO Connections - Sa kabila ng crackdown niya sa POGOs, ang pamilya niya ay linked sa isang property sa Cavite na naging POGO hub. Sabi nila na ibinenta na, pero obvious na may “connections” pa rin sa past dealings.

  3. Political Dynasty - Ang Remulla family ay matagal nang nasa politika sa Cavite, maraming positions ang hawak ng pamilya. It’s like concentration of power, hindi healthy for an institution like Ombudsman na dapat independent.

  4. Ethics Questionable - Kilalang may mga statements at actions siya na ethical red flags, like sa ABS-CBN franchise issue at ibang legal matters na madalas kulang sa transparency at fairness.

Diba ang Ombudsman dapat watchdog ng gobyerno na independent, tapat, at walang bias. Sa past issues niya, parang questionable kung kaya niya talaga i-hold yung position na may ganitong responsibility. Maraming mas deserving at qualified na tao for this role. Kaya personally, hindi ako sang-ayon sa appointment niya. Good luck talaga sa Pilipinas.

Ps. Not a Pro-Marcos and DDS. Sadyang wala lang talaga akong tiwala. 😝

Posted Oct 7, 2025, 10:04 AM UTC

24
Loading comments…