r/Philippines•
yonicorni

4-seater GrabCar driver says only 3 passengers max are allowed to ride.

CulturePH

My three friends and I booked a 4-seater Grab Car from LRT Katip going to Miriam College two weeks ago.

Pagdating ng driver, medyo matagal bago niya binuksan yung locks ng mga pinto, parang hesitant if isasakay niya kami. Then nung nakaupo na kami sa loob, sabi niya, "Ma'am, next time po ah. Four-seater lang po ako." Edi takang-taka kami kasi apat lang naman kaming passengers.

Nahiya kaming i-clarify agad kung ano yung issue HAHAHA kaya before na lang namin bumaba tinanong. Sabi ng driver, max of 3 passengers lang daw ang allowed dahil counted daw siya sa 4-seater na binibilang ng Grab. 😭

I would say madalas naman kaming mag-Grab ng friends (although Manila/Makati area lang) and first time namin ma-encounter yung ganitong interpretation ng rule haha. So, have we been misinterpreting the 4-seater rule all this time or pasimuno lang 'tong si kuya driver? 😭

Posted Oct 10, 2025, 2:28 PM UTC

225
Loading comments…