That blue shool na not student friendly
That blue shool na not student friendly. Walang care for the students. Napakagaling talaga ng school na ‘to. Wala na ngang maayos na school grounds, wala pa talagang megaphone nung earthquake kanina. Paano na lang kung mas malakas ‘yung lindol? Walang malinaw na instructions, walang proper evacuation procedure, at halos walang staff na nag-aasikaso sa safety ng mga estudyante. Wala ring maayos na designated safe zone, parang kanya-kanyang takbo lang lahat. Wala man lang headcount o attendance check pagkatapos ng evacuation.
Like paano nila malalaman kung may estudyanteng naiwan, nasaktan, o nawawala? Ang importante sa ganitong sitwasyon ay siguraduhing ligtas ang lahat, pero parang hindi man lang ‘yun naging priority.
Tapos pagdating pa sa retrieval ng mga gamit ng students, sobrang gulo. Walang proper announcement, walang system, at walang coordination sa pagitan ng teachers at admin. Ang hirap din sa communication. Walang malinaw na update kung ano dapat gawin o saan pupunta.
Nakakadisappoint talaga kasi basic responsibility ng school ang safety at organization, lalo na sa ganitong sitwasyon. Hindi lang academics ang basehan ng magandang school dapat handa rin sila sa emergencies, marunong mag-manage ng mga estudyante, at alam ang tamang protocol.
Posted Oct 10, 2025, 2:41 PM UTC