OA lang ba ako kc nagtampo ako nung di nya ko nasundo?
I'm on a hybrid set up sa work. My bf just started using his car for a ride hailing app. So sabi nya sakin hahatid nya daw ako pag mag office ako. Twice a month lng rto ko so I told him na papasok ako that day pero d nya naseen ung msg ko so d ko na siya nahintay, hindi nya ko nahatid. Since di nya ko nahatid nag offer siya na susunduin nya na lang daw ako kaso d rin nangyari kc nakatulog siya. GY shift ako so I asked him pa if he's sure kc alam ko wala siyang tulog. He has a day job din and i admire the hustle. Finally kc may direction na ule yung buhay nya. I waited for 2 hrs kc ok lng nmn ako magstay sa office baka kc magising kaso wala, so umuwi na lang ako. Pagkagising nya he said sorry nmn and i said it's fine pero wala yung usual lambing dun sa msg ko. I think he did not like it na cold ung reply ko so sabi nya bahala na daw ako sa buhay ko kung magalit daw ako sa kanya. Di naman daw nya kc kasalanan na need niyang matulog. Too be honest di nmn ako galit gets ko nmn na need nya matulog pero nagtampo ako kc this is the only time na may gagawin siya for me and siya din nmn ung nag offer di ko nmn siya inobliga. He was unemployed for how many months so ako sumasalo sa lahat. I don't want to add to his burdens so never akong humingi ng kahit ano sa kanya. Pag may date kmi ako lagi taya at ako nag-aadjust. Pag may need siyang bayaran ako gumagawa ng paraan. Pag may gusto siyang bilhin binibili ko. I admit i kinda spoiled him kc i wanna make sure na he's happy despite his situation. Nagsorry nman na ko para maging ok na pero hindi nya ko kinakausap ng maayos. Puro 1 liner ang reply. Ngayon parang wala na kong karapatan magtampo kc siya na ung nagtatampo. Magbbday kami pareho pero parang ayaw ko ng ituloy ung celebration namin. I just wanted to know if OA ba ako and ang petty ba nung reason para magtampo so that I can take proper actions. Hope this won't be shared anywhere else. Thank you po.
Posted Oct 11, 2025, 7:39 PM UTC