Buti nalang nag break kami
Nung grade 12 ako, I had a bf na INC and ako naman catholic. That time di pa ako masyado aware sa behind the scenes sa religion nila. Pero sinasabi niya rin sa akin kung ano yung commonly sinasabi ng mga INC which is yung "Mag convert kana. Kaming mga INC lang ang maliligtas." Naalala ko pa nun nung naginuman kami, tinatanong ko siya "Akala ko bawal sainyo" sasabihin niya lang along the lines of "Okay lang yan maliligtas pa rin ako kasi INC ako." So syempre nagtaka ako.
Nung umabot kami ng 1yr, nagka topic kami ng kasal etc (I know lakas loob kahit grade 12 pa haha) sabi niya is required ko raw mag convert kasi non-member ako. Since yung time na yun wala pa talaga ako idea kung gaano kalala, sinabi ko lang din na okay sa akin. Ang sinabi niya lang saakin is kailangan ko raw mag samba strictly for 30 days straight, which at first I did think was odd kasi sa ibang religion hindi naman ata ganon ka strict. Pero binalewala ko nalang.
Fast forward nung nag initiate ako na makipag break (THANK GOD), mainly because napaka-red flag ng ugali niya, paulit ulit niya ako tinatanong kung ang religion niya ba ang reason bakit ako nakipag break. Eh that time hindi naman part sa reason yung religion eh kaya nagtaka ako bakit paulit ulit niya tinatanong.
FAST FORWARD NGAYON NAPA THANK YOU LORD TALAGA AKO HAHAHAHAHAHAHAHAHA MUNTIK NA AKO MASALI SA COOL-TO HUHUHU Last last year nalaman ko nagka gf siya, non member din and kung gaano ka red flag yung ex ko saakin, ganun pa rin siya sa girl hanggang ngayon. Nakakaawa kasi masyadong manipulative yung guy (isa yan sa maraminggg red flag niya). Sana matauhan si girl.
After namin mag break, nung naka move on na ako, kapag may ka fling akong guy una kong tinatanong kung INC ba siya HAHAHAHAH
Posted Oct 11, 2025, 7:45 PM UTC