It’s my birthday. I should be happy, but why am I crying?

Nag sign up ako ng reddit account na ‘to para lang may mapaglabasan, somewhere I can rant and just be myself. Wala akong kapatid, ako lang mag-isa. Ako yung nag-aalaga at bumubuhay kay Mama simula nung nagka-stroke siya 4 years ago.

Kahapon, after ko mag-grocery at bumili ng meds at insulin ni Mama, nagulat ako pagtingin ko sa wallet ko 34 pesos na lang. As in literal na 34 pesos. Tapos birthday ko pa ngayon. Ang ironic lang dapat masaya, pero heto ako, umiiyak habang iniisip kung saan ulit kukunin panggastos bukas.

Nakakapagod. Yung tipong gusto mo lang ng konting pahinga, konting ginhawa, kahit isang simpleng vanilla ice cream lang… pero ni yun, di mo na maibigay sa sarili mo. Lagi na lang may kailangang unahin, may kailangang bayaran, may kailangang tiisin.

Di ko naman ‘to pinost para kaawaan. Gusto ko lang maramdaman na may nakakarinig, kasi minsan nakakabaliw din ‘yung lagi kang matatag kahit gusto mo na sumuko.

Please be kind. I’ve been going through a lot. 🙏

Posted Oct 11, 2025, 7:47 PM UTC

1814
Loading comments…