Para Sa Taong Lagi Kong Hanap

OC Poetry

Minsa’y hindi ko talaga makayang sabayan
Ang maingay, maligalig, at kinapapaguran.
Ngunit sa pag-iisa, at sa laging pagpikit,
Nakalimbag sa isip at hindi ko maalis.

Pakiramdam ko ay walang itulak-kabigin...
Nariya'y walang pahalaga, pag wala'y sabik.
Pilit kang hinahanap sa kabila ng inis,
Sagot ay hindi alam kung ba't 'di makatiis.

Sa aking kawalan ay aking napag-isip:
Ang tawa mo sa akin ay musikang matamis.
Kapag hindi ko na kayang harapin ang daigdig,
Tinig mo ang ingay na ibig kong marinig.

Posted Oct 14, 2025, 12:48 PM UTC

30
Loading comments…