How other INC Member Judge someone they closed and not
Here I am again. And ranting how OWE judge their kapwa INC or Ka maytungkulin na hindi ka-closed.
Ito po ay sa dating lokal na kinatalaan ko last 2021-2024. And now nakatala ako sa ibang Distrito (pero 'di na dumadalo sa any pagtitipon).
Sa dating lokal na kinatatalaan ko ay nakilala ko ang iba't-ibang klase ng mga tao. May totoo at peke. May tunay na lingkod at may paimbabaw. May maluho at may naglilingkod ng totoo kahit di mayaman.
Una, may nakilala ako doon na dalawang kadiwang babae na maganda. Magkaiba ang ganda. Yung isa, maputi at medyo koreana. Yung isa naman morena, matangos ang ilong at professional makisalamuha. Yung maputi may ugaling pagkamaluho at wala sa lugar ang inaasta. Matakaw at medyo selfish. Pero nadadala niya yung ganda niya sa pagkuha ng attention ng ibang tao sa kaniya. Mapapansin mo yung pagsisiksik niya sa sarili niya kaya kita mong maraming kaibigan. At sa ganda niya at pagiging sociable malapit siya sa mga ministro at asawa ng ministro. Lalo na kung nag-aayos na sila for picture taking, doon yung bond nila. Yung morena naman mahinhin na jolly. Magaling makisama pero pili lang yung bawat salita sa bibig niya. Introvert ba. Pero siya minsan ko ng nakasama. Grabe yung words of wisdom niya when she's talking. You felt like kinakausap mo yung anghel na gusto mong makausap. Every bato ng salita kung nagpapayo sarap sa ears. Nakakawala ng pagod. Pero napapansin ko na dahil sa pagiging mahinhin niya at medyo mahiyain di siya ganun kalapit sa mga kapatid lalo na sa Destinado. Hindi din kasi siya attention seeker as i observed.
Ngayon dumating ang tagpong hindi inaasahan.
Si kapatid na mahinhin ay napabalitang nabuntis. Siya mismo nag-ulat sa kaniyang sarili. At iyak ng iyak. At noong naibasa ang kaniyang pangalan sa kapulungan doon na nag spread ang mga kung ano-anong mga panghuhusga at agam-agam. Ni ang dating mga close niya ay makikita mong wala ng concern at talagang di na siya kinakamusta.
May times pa na maririnig mong dinadown siya on her back. Na para bang ang naging kasalanan niya ay wala ng kapatawaran. Na inaari nilang sumpa na nabuntis siya.
Kinapalan ko ang mukha kong kontakin siya. Yes, i know nagsasalita siya on her heart. Kasi siya mismo nag-ulat sa sarili niya kaya alam kong sincere siyang kilalanin ang naging kasalanan niya at alam kong totoo ang sinasabi niyang first bembang niya yung nakabuntis sa kaniya. Kasi takot na takot na alam mong normal yun sa isang birhen.
Pero ang natatanggap niyang panghuhusga ay tila tulad ni Magdalena. Na kung yurakan siya ng mga kapatid parang sobrang duming babae at tila parang walang bahid na pagkakasala itong bumabato sa kaniya ng mga salita.
Ngayon naman punta ako sa isang kapatid na mala koreana ang ganda.
Last January ikinasal siya sa isang ministro. Puring-puri ang ilang mga kapatid. Tila nagbubunyi ang ilan kasi mapalad daw siya dahil sa ministro ang kaniyang napangasawa. Ang natatanggap niyang mga salita ay puro papuri sa ibang tao.
But here's my statement why i said na unfair kung humusga ang marami sa loob ng INC.
Si girl na maputi ay nagkaroon ng iba't-ibang bf. Hindi sabay-sabay pero sunod-sunod. Si first bf niya na dating prep sa lokal (naghahanda sa pag-aaral sa pagkaministro), ay palagi niyang pinupuntahan sa bording house nito which is ilang kanto lang sa pagitan ng mismong kanilang bahay. Laging daw siyang nakikita ng kapatid din na may-ari ng bording. Hindi niya inulat because of lack of evidence. Afterwards, nakita naman daw siya ng dating ministro sa panahon na yun na nakipaglaplapan sa bf netong prep sa likod sa may CR ng kapilya. Di nasuspende pero ewan ko kung anong naging aksyon sa kaniya. Mismong si destinado pa sa time na yun ang nagkwento. Noong nagbreak sila may naging bf na naman agad. Naglive in sila at tumira sa kabilang City. At parehas na may tungkulin sa pagkamang-aawit. Daming dahilan nun si girl na maputi, kesyo gusto niya daw lumayo para mag-aral sa TESDA. Ayaw ng papa niya kasi wala na silang gagastusin, kaso sinumbatan niya lang ng "Di naman ikaw ang magpaaparal pakealam mo ba!?" Iyon pala makikipaglive in lang naman sa bf neto na may kaya sa buhay. Masigla silang pareho sa tungkulin. Sabay sa pagtupad.
Ayon sa source, nabuking daw sila ng pangulong mang-aawit sa lokal pinaglipatan nila kaya siya bumalik sa lokal namin. At doon pinagtakpan siya ng kasalukuyang destinado sa panahong iyon.
Alam niyo ang sambit ng destinado? "Kaya di daw siya naulat o naalis sa talaan kasi kinakawaan daw siya ng Diyos".
Pagkatapos ng kalokohang iyon ni girl na maputi na mala-koreana ay wala kang kariringgang panghuhusga sa ilang mga kapatid kasi nangibabaw sa kanila yung pasipsip moment niya at dahil asawa na siya ngayon ng isang ministro.
Samantalang si Morena na natiwalag dahil nabuntis ay binato ng masasakit na salita. First bembang man niya yun ngunit dahil nagkaroon ng bakas yun yung baby ay nabura agad sa isipan nila na minsan din nila siyang nakasama sa paglilingkod.
Posted Oct 14, 2025, 12:51 PM UTC