OA lang ba ako o nakakairita na kinukuha ka without your consent?
Wala akong alam sa kasal and binyag pero naiirita ako kapag bigla akong kinukuha na ninang at abay sa kasal o binyag ng kamaganak ko. Etong mga kamaganak ko nasa province sila and di ko talaga sila kaclose tapos ung mga anak nila ni isang beses di ko man lang nakita tapos ngayon tuwing pasko nagkakaobligasyon pa ko magbigay ng pamasko sa kanila.
Graduating student palang ako no work but may small business and ako pa nagpapaaral sa sarili ko tapos bibigyan pa ko ng ganyan na gastos nanaman. Tapos uuwi nanaman sa susunod kasi ginawa ulit akong abay e ang pamasahe balikan 1k na malaki na for me kasi di ko naman pinupulot yang pera hahahaha.
Ang nakakainis pa kay mama lang sinasabi, mababawasan pa inis ko kung ididiretso sakin e kaso hindi HAHAHAHA. OA lang ba ko o naiinis din kayo sa ganito? need din ba ng consent kapag gagawin kang ninang or abay?u0
Posted Oct 14, 2025, 12:59 PM UTC