Gigil na naman ako sa asawa kong ambaba ng emotional IQ

NO ADVICE WANTED

Nagpost na ko dati: https://www.reddit.com/r/OffMyChestPH/s/LgIao0v1rz

So eto na naman ang magaling kong asawa. Its that time of the month again na emotions are high so banas ako sa workmate ko (technically my senior dahil mas mataas position nya saken pero parehas kami ng ginagawa) na puro tambak saken ng trabaho tapos sya walang gagawin. Tapos pagdating sa meeting, imbes na suportahan ako, hinayaan akong iexplain lahat kahit napagalitan na ko sa mtg. In short, di nya ko sinalba. So there goes my badtrip day.

Paguwi ko, megarant na naman ako sa asawa ko. Na kesyo ganito si ano. Ganito nangyari. Blah blah blah. Aba si mister ang sabi ba naman “Bakit ba hindi mo lahat yan sinasabi sa kanya? Masyado kang takot sa kanya. Dapat sinasabi mo yan sa kanya kase di nya malalaman nang di mo sinasabi!”

Sabi ko, “Hindi ako natatakot sa kanya. Nagrarant lang ako.”

“Oh e di ka pala takot bakit di mo yan masabi sa harap nya?!”

Tumahimik na ko. Naalala ko, wala na namang patutunguhan ang usapan. Ang gusto ko lang may makinig saken dahil sa isang stressful day pero sermon pa nakuha ko.

Napaiyak na lang ako sa kotse. Lately kase medyo down rin ako. Parang nafifeel ko na ang purpose ko lang sa mundong ito ay magtrabaho, kumita ng pera, tumulong sa pamilya. Now that I was diagnosed with “suspicious” thyroid nodules that could be cancer, I was thinking of ending everything. Para matapos na. Pero sa tuwing nakikita ko toddler ko, iniisip kong may big purpose pa ko. Pero lahat ng to, di ko masabi sa asawa ko. Dahil alam ko na kung san pupunta ang usapan. “Bakit mo naman yan naiisip?! Napakahina mo naman, para yan lang..”

So iiyak na lang natin. Para di na madagdagan sakit sa dibdib.

Posted Oct 28, 2025, 4:59 PM UTC · locked

11
Loading comments…