ABYG kasi nagagalit ako na may tropang lalaki yung gf ko?

Significant other

Kilala ko rin naman yung guy pero dapat ko bang pagbawalan sumama/kumausap gf ko sakanya kasi nabobother ako?

Sa work ni gf namin nakilala yung guy. Nakakasama din naman ako sa mga gala nila. Nakakasalamuha ko rin naman silang lahat at okay naman din naman sila sakin.

Recently, nagka ayaan manuod at mag inom after ang mga tropa. Pero dahil holiday, hindi ako nakasama. Marami rin hindi nakasama. Ang ending ay dalawa nalang silang natira, at nag proceed parin sila sa gala. Hindi ko naman pinagbawalan pero narealize ko nalang after na hindi pala talaga ako comfortable.

Ngayon nag aaway kami kasi sabi niya dapat hindi ko nalang siya pinayagan kung ayaw ko naman daw pala talaga. Malaki naman tiwala ko kay gf. Hindi ko lang masabing ayaw ko talaga.

ABYG kasi pabago bago isip ko? Parang gusto ko nalang kasi siyang icut off as tropa dahil parang naviolate pagkalalaki ko. Pero mali rin ata dahil papahirapan ko pang mag isip ng paraan pano iiwas gf ko sakanya. Hindi ko rin alam gagawin ko.

Posted Nov 1, 2025, 7:52 PM UTC · locked

17
Loading comments…